Thursday, December 31, 2009

Kapistahan ng SOLEDAD DE MANILA 2010





Taon-taon ginaganap ang pagpaparangal sa Ina ng Diyos sa kanyang katawagang bilang LA VIRGEN DE LA SOLEDAD.  Ito ay isa sa napakaraming anyo ng Birheng Nangungulila at Nag-iisa na nagmula sa Lalawigan ng Kabite.  Ang pagdiriwang ay sinisimulan sa ika-29 ng Disyembre kung saan iniluluklok ang Larawan ng Soledad de Manila sa Simbahan ng Santo NiƱo de Tondo upang magdaos ng Triduum o tatlong araw na pananalangin bilang paghahanda sa Kapistahan.  Ito ay susundan ng isang Traslacion o Karakol pauwi ng Parokya nito sa Camba, Binondo sa Ika-31 ng Disyembre bilang pagdiriwang sa BISPERAS NG KAPISTAHAN.  Ngayong taon, ang mga sumusunod ang talaan ng mga gawain para sa naturang pagdiriwang:  Misa sa ganap na ika-7, 8 at 9 ng umaga at sa 5:30 ng hapon na siyang susundan ng isang maringal na prusisyon sa paligid ng nasasakupan nito...Ngayong 2010, ang unang pagdiriwang ng Kpaistahan bilang isang ganap na parokya... Nakikiisa ang Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. sa pamayanan ng Birhen ng Soledad de Manila sa dakilang gawain na ito...VIVA LA VIRGEN!