Sunday, August 22, 2010

SOLEDAD sa TAYTAY 2009

Matapos mabendisyunan ni Padre Avel Sapida sa buwanang Misa de la Reina, idinambana sa Parokya ng San Juan Bautista, Taytay-Rizal ang isang replica ng Mahal na Birhen ng Soledad ng Porta Vaga noong Abril 4, 2009, Sabado de Pasion, bilang bahagi ng maringal na pagdiriwang ng mahal na araw ng nasabing pamayanan.  Ang nasabing pagluluklok ay pinamunuan ni Bro. Richard Quiocho, kasapi ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. at siyang recamadero ng nasabing replica. Ang gawaing ito ay sinundan ng isang Lenten Exhibit kung saan ang Birhen ng Soledad ang itinampok bilang "festejada". Inaasahang sa nasabing gawain, magsisimula ang isang marubdob at malalim na pagdedebosyon sa Mahal na Reina ng Cavite sa dakong ito.

(Ang replica ng Virgen de la Soledad sa Taytay, Rizal.)
(Ang Birhen ng Soledad sa altar ng Parokya ni San Juan Bautista.)
(Ang replica ni Bro. Richard Quiocho na sinasamahan ng ilang kasapi ng Cofradia)
(Ang Birhen de la Soledad, buhat ng Hijos de Nazareno ng Taytay, Rizal.)
(Ang Birhen de la Soledad, buhat ng Hijos de Nazareno ng Taytay, Rizal.)
(Ang Birhen de la Soledad sa gitna ng Lenten Exhibit ng Taytay.)
(Ang Birhen de la Soledad sa gitna ng Lenten Exhibit ng Taytay.)
(Ang luklukan ng Mahal na Birhen de la Soledad)

Iba't Ibang SOLEDAD: IIsang Inang Nangungulila at Nag-iisa.


Hindi maitatanggi ang pamoso at natatanging pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Soledad na makikita sa malawak na pagkalat ng debosyon dito. Isa sa mga maituturing na ebidensiya ng pagmamahal ng mga Pilipino sa dakilang ILAW NG PILIPINAS ay ang pagsibol ng iba't ibang bersyon ng mga larawan sa Soledad sa buong bansa. Ang pamimintuho sa Inang Nag-isa at Nangungulila ay makikita sa ilan sa mga antigong larawan ng Soledad sa ilang Parokya sa buong bansa. Kabilang dito ang sa Nueva Ecija, Camba, Maynila, Buhi Camarines, Gen. Tria, Cavite, at kung saan-saan pa.

(La Virgen de la Soledad de Nueva Ecija, se venera en la Iglesia de San Isidro, Nueva Ecija)

(La Virgen de la Soledad de Manila se venera en la Iglesia de Camba, Maynila.)
(La Virgen de la Soledad de Albay se venera en la Iglesia de Buhi)
(La Virgen de la Soledad de Albay se venera en la Iglesia de Buhi)
(Soledad de Malabon, Paroquia de San Francisco, Gen. Trias, Cavite)
(La Virgen de la Paloma, Madre de la Soledad, se venera en la Iglesia de Madrid, España)

(La Virgen de la Soledad de Oaxaca, Mexico)


(La Virgen de la Soledad de Granada, España)

(La Virgen de la Soledad de Ligas, Bacoor)
(La Virgen de la Soledad de Baliuag, Bulacan)