Sunday, August 22, 2010

SOLEDAD sa TAYTAY 2009

Matapos mabendisyunan ni Padre Avel Sapida sa buwanang Misa de la Reina, idinambana sa Parokya ng San Juan Bautista, Taytay-Rizal ang isang replica ng Mahal na Birhen ng Soledad ng Porta Vaga noong Abril 4, 2009, Sabado de Pasion, bilang bahagi ng maringal na pagdiriwang ng mahal na araw ng nasabing pamayanan.  Ang nasabing pagluluklok ay pinamunuan ni Bro. Richard Quiocho, kasapi ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. at siyang recamadero ng nasabing replica. Ang gawaing ito ay sinundan ng isang Lenten Exhibit kung saan ang Birhen ng Soledad ang itinampok bilang "festejada". Inaasahang sa nasabing gawain, magsisimula ang isang marubdob at malalim na pagdedebosyon sa Mahal na Reina ng Cavite sa dakong ito.

(Ang replica ng Virgen de la Soledad sa Taytay, Rizal.)
(Ang Birhen ng Soledad sa altar ng Parokya ni San Juan Bautista.)
(Ang replica ni Bro. Richard Quiocho na sinasamahan ng ilang kasapi ng Cofradia)
(Ang Birhen de la Soledad, buhat ng Hijos de Nazareno ng Taytay, Rizal.)
(Ang Birhen de la Soledad, buhat ng Hijos de Nazareno ng Taytay, Rizal.)
(Ang Birhen de la Soledad sa gitna ng Lenten Exhibit ng Taytay.)
(Ang Birhen de la Soledad sa gitna ng Lenten Exhibit ng Taytay.)
(Ang luklukan ng Mahal na Birhen de la Soledad)

No comments:

Post a Comment