Noong 1975, idinambana ang la Virgen de la Soledad bilang Patrona ng Kapilya ng Tahanan ng Mabuting Pastol, ang pangdiyosesanong seminaryo ng Kabite na nasa Lalawigan ng Tagaytay. Ang larawan ay isang antigong estampa na pagmamay-ari ng mga Heswita at noo'y nakadambana sa kanilang paaralan sa Lungsod ng Kabite. Ito ay ibinigay nila bilang regalo sa noo'y Obispo ng Diyosesis na si Obispo Felix Perez.
Simula noo'y lalong tumindi ang marubdob na pagmamahala ng mga Pari't Seminarista sa Mahal na Birhen ng Soledad bilang kanilang Ina, Reina at Patrona sa lalawigang kanilang tunay na sinisinta.
Noong Setyembre 1-15, 2009, bilang pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen, Ina ng Hapis, ngayong dakilang taon ng mga PARI, nagsagawa ng isang Soledad Exhibit ang mga Seminarista, kung saan ipinakita at itinampok ang iba't ibang larawan o representasyon ng Mahal na Birhen ng Soledad sa iba't ibang panig ng bansa at mundo. Ang koleksiyong ito ay mula sa mga kasapi ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. Kabilang sa mga ito ay ang La Virgen de la Soledad de la Paloma ng Madrid, Espanya, ng San Isidro, Nueva Ecija, ng, Camaba, Maynila, ng Oaxaca, Mexico, at ng Granada, Espanya.
Sa pamamagitan ng pagtatanghal na ito, ipinapakita sa atin na ang pagdedebosyon sa Birhen ng Soledad ay tunay na tanyag at laganap sa buong daigdig, dahil sa dakila at mabisang pamamagitan ng Ina ng Diyos sa katawagan niyang ito.
(Ang mga Opisyal ng Cofradia de la Virgen de la Soledad kasama ang
Obispo ng Imus, Lubhang Kagalang-galang Luis Antonio Tagle)