Saturday, October 3, 2009

MISA DE LA REINA: Unang Sabadong Debosyon sa Mahal na Birhen ng Soledad de Porta Vaga




Tuwing UNANG SABADO ng Bawat Buwan, ginaganap ang isang NOBENA at MISA MAYOR sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Soledad de Porta Vaga.  Ito ay sinusuportahan ng iba't ibang samahan sa Cavite, lalo't higit ang Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc.   Tuwing Unang Sabado, sa ganap na ika-11 ng umaga, inilalabas at itinatampok sa kanyang dambana ang mahigit 300 daang taong ORIHINAL na larawan ng Soledad upang mahalikan at mahawakan ng mga debotong tunay na nagmamahal sa kanya...  Ito din ay oras na sinasamantala ng samahan upang magpulong buwan buwan at pagusapan ang iba't ibang gawain para sa higit na ikalalakas at ikalalaganap ng debosyon sa nag-iisang REINA, INA, at PATRONA ng Lalawigan ng Kabite.   Hinihikayat ang lahat ng mga deboto na dumalo sa nasabing pagtitipon at tamasahin ang napaka raming biyaya sa piling ng mapaghimalang larawan ng Mahal na Birhen ng Soledad.


 


No comments: