PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.
PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.
Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya. Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay. Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit. Siya nawa.
IKATLONG ARAW
Lubhang namamanglaw na Ina ng lalong nagpakasakit na Anak, nadarama ko ang kapighatiang Iyong naranasan nang ikaw ay manaog sa bundok ng Kalbaryo, na kung saan sinundan mo ang Iyong nagpapakasakit na Anak. Nais kong tangisan ang mga kasamaang dulot ng pakikitungo ko at pakiki-isa sa mga masasamang barkada --- mga kasamaang nagwalay sa akin sa pagpapala ng Iyong Ama. Tulungan mo akong makamtan ang kaliwanagan ng pag-iisip upang maunawaan ko ang aking mga kamalian at makatahak sa tamang landas ng buhay. At kung magiging marapat sa kapurihan Niya, at sa kagalingan ng aking kaluluwa, ay ipagkaloob nawa sa akin ang biyayang ninanasa ko dito sa pagnonobena. Siya Nawa.
Ilahad ang mga biyayang hinihiling at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang MEMORARE atPAKIKIRAMAY- Panalangin Sa Araw-araw.
MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati. Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.
PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan. Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad. Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo. Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingcod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay. Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan. Siya nawa.
AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.
REYNA NG KABITE
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat
Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!
Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y tanglaw namin!
REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)
Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)
No comments:
Post a Comment