Sa biyaya ng Diyos, binigyan ng natatanging pagkakataon ang Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. na mabigyan ng isang Apostolic Blessing mula sa Santo Papa Benito XVI sa pamamagitan ng Lubhang kagalang-galang na Obispo Edward Joseph Adams, Apostolic Nuncio sa Pilipinas. Noong Hulyo 28, 2009, nagkaroon ng audience ang mga opisyal at kasapi ng samahan sa Nunciature kasabay ang paggawad ng nasabing bendisyon, at ang pagbabasbas sa Pambansang Naglalakbay na Replica ng ating Mahal na Patrona.
(Si Padre Vir Mendoza habang tinatanggap ang Apostolic Blessing
mula Obispo Edward Jospeh Adams para sa samahan)
(Ang Obispo Edward Jospeh Adams
matapos tanggapin ang medalya ng Cofradia)
(Ang Besamanos matapos ang paggawad ng basbas)
Ipinahayag ng Obispo Edward Joseph Adams ang kanyang lubos na kasiyahan na makaharap ang mga kasapi ng Cofradia at ang larawan ng ating mahal na Reina. kanyang sinabi na nais niyang makita at makaharap ang orihinal na mapaghimalang larawan Birhen ng Soledad at maparangalan ang Reina at Patrona ng Lalawigan.
(Si Padre Vir habang isinasalaysay ang kwento ng ating Mahal na Reina)
(Ang ilan sa mga kasapi matapos ang paggawad ng basbas.)
(Ang mga opisyal ng samahan na nagbibigay-galang sa Papal Nuncio)
(Si Padre Vir Mendoza, patnugot ng Cofradia at Padre John Brillantes, Tagapag-payo ng Cofradia,
habang isinasalaysay ang layunin at gawain ng Cofradia.)
(Ang mga opisyal at kasapi ng Cofradia bagao mamaalam sa Papal Nuncio. Natatangi din ang pagsama ng isang opisyal ng Cofradia de la Inmaculada Concepcion ng Intramuros, Maynila na si Bro. Jorge Alan R. Tengco sa pambihirang kaganapan na ito.)
(Ang ilan sa mga kasapi at opisyal ng Cofradia sa labas ng Nunciature.)
No comments:
Post a Comment