Saturday, October 2, 2010

KAPISTAHAN ng INANG NAGDADALAMHATI

Salve sa Mahal na Birhen na pinangunahan ni Reb. Pd. Vir Mendoza.

Pagdadala sa Caroza na pinangunahan ni Msgr. Roy Rosales
Pagdadala sa Caroza na pinangunahan ni Msgr. Roy Rosales
Maringal na Prusisyon sa karangalan ng Ina ng Hapis
Maringal na Prusisyon sa karangalan ng Ina ng Hapis
Maringal na Prusisyon sa karangalan ng Ina ng Hapis
Maringal na Prusisyon sa karangalan ng Ina ng Hapis
 
Setyembre 15, 2010,
Pinangunahan ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. ang muling pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Soledad bilang INA NG HAPIS.

Sa pahintulot at buong suporta ng ating Mahal na Kura Paroko ng Parokya ni San Roque at Dambana ng Mahal na Birhen ng Soledad--Reb. Pd. Cesar R. Reyes, Jr., pinangunahan ni Reb. Pd. Virgilio Saenz Mendoza ang Misa Concelebrada para dito. Siya ay sinamahan ni padre Cesar, at nila: Reb. Msgr. Roy M. Rosales–-Kura Paroko at Rektor ng Dambana ni Sta. Marta sa Pateros, Reb. Pd. Nasario Portillo–-Parochial Vicar ng San Roque at Reb. Pd. Angelo Mariano–-Bisitang Pari.

Ang pagdiriwang ay sinundan ng isang maikli ngunit maringal at naaangkop na prusisyon kasama ang Orihinal at banal na Larawan ng Virgen de la Soledad.

Sa pagtutulungan ng lahat ng kasapi ng Cofradia at ng mga taga suporta nito, maayos na naidaos ang nasabing gawain. Ipinaaabot ng pamunuan ng samahan ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga tumulong, nakiisa at sumuporta.

VIVA LA VIRGEN DE LA SOLEDAD DE PORTA VAGA!

No comments: