Ang Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc., ay kamakailaý naghalal ng mga bago nitong opisyal na maninilbihan sa loob ng dalawang (2) taon. Gaya ng nasasaad sa bagong pinagtibay ng Saligang Batas ng samahan, ang nasabing halalan ay magaganap kada dalawang (2) taon sa buwan ng Mayo sa oras at lugar na sinang-ayunan sa pagpupulong ng buwan ng Marso. Sa biyaya ng Diyos at sa gabay at inspirasyon ng ating Ina, Reyna at Patrona, La Virgen de la Soledad de Porta Vaga, ang mga bagong opisyal ay magsisilbi hanggang 2013. Sila ay sina:
PANGULO: Jonnell Ryan I. Enriquez
IKALAWANG PANGULO SA UGNAYANG PANLABAS: Ronaldo R. Gamboa
IKALAWANG PANGULO SA UGNAYANG PANLABAS: Ronaldo R. Gamboa
IKALAWANG PANGULO SA UGNAYANG PANLOOB: Norma Soledad Z. Peña
KALIHIM: Marvin A. Arnaldo
TAGAPAGTALA: Larry O. Sta. Elena
INGAT-YAMAN: Ronald M. Trupel
INGAT-YAMAN: Ronald M. Trupel
TAGAPAGTUOS: Jason J. Anciro
PANLAHAT NA TAGAPAG-UGNAY (PRO): Jonas Louie A. Banzali
Upang higit na mapagbuti ang kalalagayan ng samahan, nagtalaga ang Pangulo ng KAAKBAY NA OPISYAL (Technical Support Group) na tutulong sa mga nasabing opisyal kung kinakailangan. Ito ay pinagtibay ng lagiang kapulungan ng Hunyo at Hulyo 2011:
KAAKBAY NG IKALAWANG PANGULONG PANLABAS: Ferdinand N. Montano
KAAKBAY NG IKALAWANG PANGULONG PANLABAS: Ferdinand N. Montano
KAAKBAY NG IKALAWANG PANGULONG PANLOOB: Elizabeth DC. Ricamata at Myrna S. Ocampo
KAAKBAY NG KALIHIM: Andrew Roland T. Portacio at Dandy T. Palaganas
KAAKBAY NG TAGAPAGTALA: Rosana F. Ramos
KAAKBAY NG TAGAPAGTALA: Rosana F. Ramos
KAAKBAY NG INGAT-YAMAN: Mary Anne M. Macavinta
KAAKBAY NG TAGAPAGTUOS: Carmelita Ghit C. Perello
KAAKBAY NG TAGAPAGTUOS: Carmelita Ghit C. Perello
KAAKBAY NG PANLAHAT NA TAGAPAG-UGNAY (PRO): George J. Ricamata
Kasunod nito, ang pormal na pagtatalaga at paghahayo ay iginawad ni Reb. Pd. Virgilio Saenz Mendoza, Patnugot at Fundador ng Cofradia noong Agosto 6, 2011, sa Pandiosesanong Dambana ng Inmaculada Concepcion sa Naic, Kabite. Inaasahang sa mga susunod na araw at higit na magiging aktibo at matatatag ang samahan para sa higit na ikalalakas ng debosyon sa nag-iisang Ina, Reyna at Patrona ng Kabite. Hinihilingan ang lahat lalo't higit ang mga deboto ng Mahal na Birhen ng Soledad na isama sila sa inyong mga panalangin.
Pagbebendisyon sa Pag-aalay sa Misa Mayo 7, 2011 Misa de la Reina bago ang Halalan |
Ang Halalan Mayo 7, 2011 |
Ang mga dating Opisyal ang nagsilbing COMELEC para sa pagsasaayos ng Halalan |
Ang Pagbibilang ng mga Boto |
Ang mga Bagong Halal na Opisyal |
Ang Rito ng Panunumpa at Pagtatalaga ng mga Bagong Halal na Opisyal at Bagong Talaga na mga Kaakbay na Opisyal |
Ang mga Bagong Halal na Opisyal at ang kanilang mga Kaakbay na Opisyal |
Ang mga Bagong Halal at Talagang Opisyal ng Cofradia Agosto 6, 2011 |
No comments:
Post a Comment