Tuesday, September 29, 2009

DALAW SOLEDAD 2009



Nagsimula ang kamalayan sa pagdaraos ng DALAW SOLEDAD nang aming sariwain ang mga nagdaang gawain ng Cofradia noong panahon ng dating Pangulo, Antonio Nazareno.  Dito nabuo ang mga plano at suhestiyon kung paano bubuhayin ang tradisyon ito upang makatulong sa pagpapalakas sa debosyon sa nagiisang Ina, Reina at Patrona ng lalawigan ng Kabite.  Nag-simulang mag anunsiyo sa mga kasapi at mga taga suporta ng Cofradia at di nag-laon ay humikayat ng mga imbitasyon mula sa internet sa pangunguna ng website ng grupo sa FLICKR.  Ang unang malaking opisyal na DALAW ay ginanap noong Mayo 2009 sa bayan ng Amadeo, Kabite, kung saan nakatutuwang tingnan kung paano sinalubong at pinarangalan ang BIRHEN NG SOLEDAD. Sumunod dito ang pagpaplano ng Ikalawang Yugto kung saan mas malaki at mas malawak ang naiplano sa tulong ng mga deboto na gaya ni Bro. NiƱo Figuerroa.  Agosto 15, 2009 ang petsa ng ika-25 taong anibersaryo ng pagkakabalik sa orihinal na Larawan ng Soledad, sinimulan ang paglalakbay ng Reina de Cavite sa kalakhang Maynila upang mas palakasin ang debosyon sa Soledad.



Napaka daming mga kuwento ng mga himala ang aming narinig mula sa iba't ibang deboto sa mga nadalaw nang komunidad.  Tunay ngang nakatataba ng puso na marinig at maranasan ang mga ito.  Nakatutuwang isipin na hindi tayo/ kami iniiwan ng BIRHEN. At sa bawat himalang Kanyang pinapakita ay ang katagang "HINDI KAYO NAG-IISA, KASAMA NIYO AKO."  Nawa sa mga nalalabing mga Parokya na aming dadalawin, dalangin namin na masumpungan din nila ang napaka bisa at tunay na dakilang maka-Inang pamamagitan ng Soledad na ginawa at ginagawa Niya para sa lalawigan ng Kabite noon, ngayon at sa habang panahon.



No comments: