Saturday, November 21, 2009

CAMINA CON MARIA: Paglalakbay kasama si Maria--- SOLEDAD Fiesta Celebration 2009

Ang pagdiriwang ng Kapistahan ng MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD ay ipinagdiwang sa taong 2009, sa pagtatapos ng unang dekada ng ikatlong milenyo, sa pamamagitan ng temang: CAMINA CON MARIA: Paglalakbay kasama si Maria.  Sa nasabing pagdiriwang ay ginanap ang mga natatanging pagpaparangal sa Reyna ng Kabite sa pamumuno ng bago nitong Kura Paroko: REB. PADRE CESAR R. REYES.  Kasama ng Cofradia de la Virgen de la Soledad  de Porta Vaga, Inc ang iba't ibang samahang pansimbahan at ng pastoral ng Parokya ng San Roque at ng Hermandad de la Virgen de la soledad sa Lungsod ng Kabite, matagumpay na naipagdiwang ang kaarawan ng Mahal na Birhen.  Inaasahang sa mga susunod pang taon, ay mas lalakas at titibay pa ang pagdedebosyon sa tanging mabisang katawagan na ito ng Mahal na Ina.

Wednesday, November 18, 2009

ROSARIO ESPAÑOL: Oraciong ginagamit para sa La Virgen de la Soledad de Porta Vaga

Ipinagindapat na piliin ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga na gamitin ang Rosario Español sa mga prusisyon at pagtitipon ng samahan para sa karangalan ng nag-iisang Reina ng Kabite.  Sa kadahilanang ang Birhen ng Soledad nang magpakita sa Sundalong Kastila ay nagsalita ng Español at dahil sa ito ang lokal na lengwahe na ginagamit sa Ciudad ng Kabite, piniling gamitin ito ng samahan upang manatili ang kultura at tradicion ng pagdedebosyong ito.  Hinihikayat ang lahat lalo't higit ang mga deboto na kabisaduhin, pag-arala at isapuso ang mga sumusunod na panalangin.

SEÑAL DE LA CRUZ

Por la señal de la Santa cruz, de nuestros enemigis libranos Señor dios Nuestro.
En el nombre del Padre, y del Hijo, y del Espíritu Santo. AMÉN.

SEÑOR MIO
Señor mio Jesucristo, Dios y hombre verdadero, credor y redentor mio porser vos quien sois y por que os amo sobre todas las cosas, a mi me pesa de todo Corazon de haberos ofendido y propongo firmamente nunca mas pecar, confesarme, cumpir la penitencia que me fuere impuesta, apartame de todas las ocasiones de ofenderos:  ofrezcos mi vida, obras y trabajos en satisfaccion de todos mis pecados, y confio en vuestra bondad y misericordia infinita me los perdonareis por los meritos de vuestra preciosisima sangre, pasión y muerte, y me dareis gracia, para enmendarte, y para perseverar en vuestro santo servicio hasta el fin de mi vida. Amen.

CREDO

Creo en Dios, Padre Todopoderoso, Criador del Cielo y de la tierra; y en Jesucristo su unico Hijo Nuestro Señor, que fue concebido por la obra y gracia del Espiritu Santo, y nacio de la Virgen Maria, padecio de bajo del poder de Poncio Pilato; fue crucificado muerto y sepultado; descendio a los infiernos; al tercer dia resucito entre los muertos: subio a los cielos en esta sentado a la diestra de Dios Padre Todopoderoso; des de alli ha de venir a juzgar a los vivos y alos muertos.

Creo el el Espiritu Santo, en la Santa Iglesia Catolica, en la communion de los Santos, en el perdon de los pecados, en la resurreccion de la carne y en la vida perdurable. AMEN.

PADRE NUESTRO

Padre Nuestro que estas en los cielos, Sanctificado sea tu nombre, Venga a nos tu reino, Hagase tu voluntad, Asi en la tierra como en el cielo;

El pan nuestro de cada dia danosle hoy, Y perdonanos nuestras deudas asi como, Nosotros perdonamos a nuestros deudores, Y no nos dejes caer en la tentacion, Mas libranos del mal. AMEN.

DIOS TE SALVE MARIA
Dios te salve Maria, Llena eres de gracia, El señor es contigo, bendita tu eres entre todas las mujeres,  Y bendito es el fruto de tu vientre Jesus.

Santa Maria, Madre de Dios, Ruega por nosotros pecadores, Ahora y en la hora de nuestra muerte. AMEN

GLORIA
Gloria Patri, et Filio, et Spiritu Sancto, sicut era in principio, et nunc et semper, et in saecula saeculorum, AMEN.

ORACIÓN DE FATIMA
O Jesús mío, perdona nuestros pecados: libranos del fuego del infierno, conduce nuestras almas hacia el cielo, especialmente aquellas más necesitadas de Tu Misericordia.  Amen.

DIOS TE SALVE REINA

Dios te Salve, Reina y Madre de Misericordia, Vida y dulzura esperanza nuestra, Dios te salve: a ti llamanos los desterrados hijos de eva, a ti suspiramos, gimiendo y llorando en este valle de lagrimas.

Ea pues, Señora, abogada nuestra vuelve a nosotros esos tus ojos misericordiosos, y despues de este destierro muestranos a Jesus, fruto bendito tu vientre. !Oh Clementissima! !Oh Piadosa! !Oh Dulce! Virgen Maria!

L. Ruega por nosotros, Santa Madre de Dios
R. para que seamos dignos de alcanzar las promesas de nuestro Señor Jesucristo. 

ORACIÓN FINAL

Oremos: O Dios, tu unigenito Hijo por su Vida, Muerte y Resurreccion nos obtuvo los premios de la salvacion eternal.  Concedenos, te suplicamos, que meditando los misterios del Santissimo Rosario de la Bendita Virgen Maria podamos imitar lo que contienen y alcanzar lo que prometen.  Por Cristo Nuestro Señor. AMEN.

SEÑAL DE LA CRUZ

En el nombre del Padre, y del Hijo, y del Espíritu Santo. AMÉN.

LETANIA DEL SANTISIMO ROSARIO
Señor, ten piedad. Señor, ten piedad. 
Cristo, ten piedad. Cristo, ten piedad. 
Señor, ten piedad. Señor, ten piedad. 
Cristo, óyenos. Cristo, óyenos. 
Cristo, escúchanos. Cristo, escúchanos. 
Dios Padre celestial, Ten misericordia de nosotros 
Dios Hijo, redentor del mundo, Ten misericordia de nosotros 
Dios Espíritu Santo, Ten misericordia de nosotros 
Trinidad Santa, un solo Dios, Ten misericordia de nosotros 
Santa María, Ruega por nosotros 
Santa Madre de Dios, Ruega por nosotros 
Santa Virgen de las vírgenes, Ruega por nosotros 
Madre de Cristo, Ruega por nosotros 
Madre de la Iglesia, Ruega por nosotros 
Madre de la divina gracia, Ruega por nosotros 
Madre purísima, Ruega por nosotros 
Madre castísima, Ruega por nosotros 
Madre intacta, Ruega por nosotros 
Madre incorrupta, Ruega por nosotros 
Madre inmaculada, Ruega por nosotros 
Madre amable, Ruega por nosotros 
Madre admirable, Ruega por nosotros 
Madre del buen consejo, Ruega por nosotros 
Madre del Creador, Ruega por nosotros 
Madre del Salvador, Ruega por nosotros 
Virgen prudentísima, Ruega por nosotros 
Virgen digna de veneración, Ruega por nosotros 
Virgen digna de alabanza, Ruega por nosotros 
Virgen poderosa, Ruega por nosotros 
Virgen clemente, Ruega por nosotros 
Virgen fiel, Ruega por nosotros 
Espejo de justicia, Ruega por nosotros 
Trono de sabiduría, Ruega por nosotros 
Causa de nuestra alegría, Ruega por nosotros 
Vaso espiritual, Ruega por nosotros 
Vaso honorable, Ruega por nosotros 
Vaso insigne de devoción, Ruega por nosotros 
Rosa mística,  Ruega por nosotros 
Torre de David, Ruega por nosotros 
Torre de Marfil, Ruega por nosotros 
Casa de oro,  Ruega por nosotros 
Arca de la alianza, Ruega por nosotros 
Puerta del cielo,  Ruega por nosotros 
Estrella de la mañana, Ruega por nosotros 
Salud de los enfermos, Ruega por nosotros 
Refugio de los pecadores, Ruega por nosotros 
Consoladora de los afligidos, Ruega por nosotros 
Auxilio de los cristianos, Ruega por nosotros 
Reina de los ángeles, Ruega por nosotros 
Reina de los patriarcas, Ruega por nosotros 
Reina de los profetas, Ruega por nosotros 
Reina de los apóstoles, Ruega por nosotros 
Reina de los mártires, Ruega por nosotros 
Reina de los confesores, Ruega por nosotros 
Reina de las vírgenes, Ruega por nosotros 
Reina de todos los santos, Ruega por nosotros 
Reina concebida sin mancha original, Ruega por nosotros 
Reina asumpta del cielo, Ruega por nosotros 
Reina de la familia, Ruega por nosotros 
Reina del Santísimo Rosario,  Ruega por nosotros 
Reina de la pazRuega por nosotros 
NUESTRA SEÑORA DE LA SOLEDAD DE PORTA VAGA, Ruega por nosotros 
Cordero de Dios que quitas el pecado del mundo, Perdónanos, Señor. 
Cordero de Dios que quitas el pecado del mundo, Escúchanos, Señor. 
Cordero de Dios que quitas el pecado del mundo, Ten misericordia de nosotros.

Sunday, November 15, 2009

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD: Ikasiyam at HULING Araw

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967

Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.

Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya.  Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay.  Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit.  Siya nawa.

IKASIYAM NA ARAW
Nagungulilang Ina ng lalong marilag na Anak, napakatagal at napaka sakit ng tatlong araw na paghihintay sa muling pagkabuhay ng Iyong namatay na Anak.  Gaanong pananabik ang Iyong nadama habang hinihintay mo ang pagsikat ng araw upang mamalas ang pagtatagumpay ng Iyong Anak sa kaluwalhatian? Ang pananalig mo ang nagbigay sa Iyo ng lakas upang hinatyin ang katuparan ng Kanyang pangako; ang pag-asa mo’y natupad sa muling pagkabuhay; ang pag-ibig mo ang nag-atas upang siya’y lalo mong mahalin; ang pagiging matiisin mo ang nagbigay lakas sa Iyong pangungulila; ang Iyong kababaang loob ang nagdala sa Iyo upang magpaka sakit alang-alang sa sangkatauhan. 

Ang Iyong mga halimbawa, Mahal na Ina, ang nagbigay sa akin ng tapang upang ipanalangin ang Inang Simbahan, gayon din ang iba’t ibang namumuno sa sandaigdigan, subalit higit sa lahat sa aming mga pinuno dito sa lungsod ng Kabite at sa buong Pilipinas.  Idinadalangin ko rin ang mga naririto ngayon gayon din ang mga malayo sa aming piling, nawa’y sa pamamgitan ng Iyong pagpapakasakit at pangungulila ay magkaroon ng katuparan ang aming mga kahilingan sa pamamgitan ng nobenang ito. Siya nawa.

Ilahad ang mga biyayang hinihiling at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang MEMORARE  atPAKIKIRAMAY- Panalangin Sa Araw-araw.

soledad 30th copy

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.  Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.  Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan.  Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad.  Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo.  Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingcod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay.  Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan.  Siya nawa.

AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

REYNA NG KABITE
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.

Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat

Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!

Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y  tanglaw namin!

REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)

Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD: Ikawalong Araw

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967

Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.

Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya.  Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay.  Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit.  Siya nawa.

IKAWALONG ARAW
Namimighating Ina ng lalong pinasakitang Anak, naririyan ka at nag-iisa sa mapanglaw na silid.  Ang mapanglaw na gabi ay nagpapahiwatig sa Iyo na lumubog na ang araw ng katuwiran, si Hesus, na ngayon ay pinanawan na ng buhay sa bundok ng Kalbaryo.  Ang masasayang araw na nagdudulot ng kaliwanagan ay natapos na.  Ibang-iba ang mga sandaling ito kaysa sa nang mapusopos ka ng Espiritu Santo at naglihi sa Kanya, gayon din nang Siya ay isilang sa Bethlehem.   Paano ko magiging marapatin ang aking sarili gayong natatalos kong ako at ang aking mga kasalanan ang sanhi ng lahat ng kalungkutang ito?  Nangangako ako Mahal na Ina, pagsusumikapan kong maituwid ang aking mga pagkukulang at pagsusumikapang mamuhay sa katarungan upang maki-isa sa Kanya sa Kanyang kaluwalhatian.  At nawa’y ang mga kahilingan ko sa pamamagitan ng nobenang ito ay aking makamtan. Siya nawa.

Ilahad ang mga biyayang hinihiling at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang MEMORARE  atPAKIKIRAMAY- Panalangin Sa Araw-araw.

100_2560

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.  Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.  Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan.  Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad.  Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo.  Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingcod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay.  Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan.  Siya nawa.

AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

REYNA NG KABITE
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.

Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat

Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!

Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y  tanglaw namin!

REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)

Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD: Ikapitong Araw

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967

Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.

Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya.  Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay.  Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit.  Siya nawa.

IKAPITONG ARAW
Oh nangungulilang Ina ng pinaka mamahal na Anak, minarapat mong manahimik sa Iyong kalungkutan bagamat nalalaman mong kaisa mo ang mga alagad ni Hesus, pahintulutan mong ako’y makidalamhati sa Iyo.  At habang tinatangisan mo ang kamatayan ng Iyong Anak, bayaan mong tangisan ko sa piling mo ang aking mga pagkukulang at kasalanan.  Ipamagitan mo ako sa Diyos na sa mga kahirapan at karalitaan ng buhay na ito’y huwag akong magnasa ng labag sa kanyang pagpapakasakit.  At kung mamarapatin sa Kanyang kaluwalhatian, at kagalingan ng aking kaluluwa, ay ipagkaloob mo nawa sa akin ang biyayang hinihiling ko sa pagnonobenang ito.  Siya nawa.

Ilahad ang mga biyayang hinihiling at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang MEMORARE  atPAKIKIRAMAY- Panalangin Sa Araw-araw.

100_2543

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.  Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.  Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan.  Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad.  Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo.  Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingcod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay.  Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan.  Siya nawa.

AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

REYNA NG KABITE
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.

Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat

Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!

Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y  tanglaw namin!

REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)

Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD: Ikaanim na Araw

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967

Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.

Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya.  Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay.  Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit.  Siya nawa.

IKAANIM NA ARAW
Inang nahahapis sa pagpapakasakit ng Anak, hindi kaya lalong maragdagan ang Iyong pamamanglaw sa pagpasok sa bahay ng senakulo, sapagka’t naaalala mo nang sinundang gabi ang iyong Mahal na Anak, ay kasama at kausap mo subalit ngayon ay wala na at naiwang nakalibing sa lupa? Ano ang dapat kong gawin upang maaliw ang Iyong kalungkutan? Sa bahay na ito ng Senakulo nagpaalam sa Iyo si Hesus noong Huwebes ng gabi sapagka’t nalalaman niya na kinabukasan ay ihahahbilin sa Iyo na ariin mong Anak ang lahat ng tao.  At yayamang ako ay isa sa kanila, tanggapin mo akong anak bagama’t ako ay hindi karapat-dapat.  Tulungan mo akong maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng Ama, gayon din, nawa’y matanggap ko ang aking mga kahilingang karapat-dapat sa Kanya sa pamamagitan ng nobenang ito. Siya nawa.

Ilahad ang mga biyayang hinihiling at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang MEMORARE  atPAKIKIRAMAY- Panalangin Sa Araw-araw.

100_2537

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.  Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.  Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan.  Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad.  Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo.  Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingcod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay.  Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan.  Siya nawa.

AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

REYNA NG KABITE
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.

Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat

Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!

Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y  tanglaw namin!

REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)

Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD: Ikalimang Araw

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967

Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.

Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya.  Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay.  Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit.  Siya nawa.

IKALIMANG ARAW
Tigib ng hapis na Ina ng lalong nagdurusang Anak, muli mong nadama ang kalungkutan at sama ng loob nang ikaw ay muling pumasok sa lungsod ng Herusalem, ang sambayanang nagtakwil at nagpahirap sa Iyong Anak, ang Dakilang Mananakop.  Sa katahimikan ng Iyong damdamin, ay muli mong nabigkas ang saloobing ng Iyong Anak: “Kahabag-habag na Herusalem, bakit mo sinayang ang iyong kapalaran? Anong kasalanan ang ginawa sa iyo ng Aking Anak at siya’y iyong pinahirapan at pinatay?”  Mahal na Ina, tulungan mo akong makamtan ang nararapat na kaliwanagan ng pag-iisip upang makilala ko ang aking mga kasalanan gayon din naman ang kaparusahang nararapat sa akin upang ang mga ito ay mapagsisihan ko ng buong katapatan. At kung sa kaluwalhatian ng Diyos, at kagalingan ng aking kaluluwa, ang mga kahilingan ko sa pamamagitan ng nobenang ito ay karapat-dapat, nawa ang lahat ng ito ay aking makamtan.  Siya Nawa.

Ilahad ang mga biyayang hinihiling at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang MEMORARE  atPAKIKIRAMAY- Panalangin Sa Araw-araw.

100_2655

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.  Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.  Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan.  Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad.  Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo.  Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingcod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay.  Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan.  Siya nawa.

AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

REYNA NG KABITE
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.

Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat

Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!

Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y  tanglaw namin!

REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)

Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD: Ikaapat na Araw

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967

Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.

Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya.  Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay.  Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit.  Siya nawa.

IKAAPAT NA ARAW
Lipos ng Pighating Ina ng lalong nahirapang Anak, sino kaya ang makakaunawa ng kahirapang Iyong tiniis ng lumakad ka sa lansangang dinaanan ng Iyong pinahirapang Anak.  Pagpapahirap, mga katampalasanan, pagpapako sa Krus, ang mga gunita nito ang nagdulot sa Iyo ng matinding hapis.  Nawa’y tumimo sa aking isipan ang mga pagpapakasakit at mga kahirapang ito ni Kristo upang sa mga sandali ng aking panghihina at panlalamig, ang mga ala-alang ito ang magsilbing gabay tungo sa wastong pag-ibig sa Iyo at sa aking mga Kapatid.  At kung magiging marapat sa Kanyang kaluwalhatian, at sa kagalingan ng aking kaluluwa, ay ipagkaloob nawa sa akin ang biyayang hinihingi ko sa pagnonobena. Siya Nawa.

Ilahad ang mga biyayang hinihiling at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang MEMORARE  atPAKIKIRAMAY- Panalangin Sa Araw-araw.

IMG_0119

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.  Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.  Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan.  Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad.  Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo.  Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingcod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay.  Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan.  Siya nawa.

AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

REYNA NG KABITE
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.

Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat

Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!

Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y  tanglaw namin!

REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)

Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD: Ikatlong Araw

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967

Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.

Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya.  Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay.  Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit.  Siya nawa.

IKATLONG ARAW
Lubhang namamanglaw na Ina ng lalong nagpakasakit na Anak, nadarama ko ang kapighatiang Iyong naranasan nang ikaw ay manaog sa bundok ng Kalbaryo, na kung saan sinundan mo ang Iyong nagpapakasakit na Anak.  Nais kong tangisan ang mga kasamaang dulot ng pakikitungo ko at pakiki-isa sa mga masasamang barkada --- mga kasamaang nagwalay sa akin sa pagpapala ng Iyong Ama.  Tulungan mo akong makamtan ang kaliwanagan ng pag-iisip upang maunawaan ko ang aking mga kamalian at makatahak sa tamang landas ng buhay. At kung magiging marapat sa kapurihan Niya, at sa kagalingan ng aking kaluluwa, ay ipagkaloob nawa sa akin ang biyayang ninanasa ko dito sa pagnonobena. Siya Nawa.

Ilahad ang mga biyayang hinihiling at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang MEMORARE  atPAKIKIRAMAY- Panalangin Sa Araw-araw.

100_7396

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.  Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.  Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan.  Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad.  Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo.  Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingcod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay.  Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan.  Siya nawa.

AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

REYNA NG KABITE
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.

Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat

Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!

Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y  tanglaw namin!

REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)

Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD: Ikalawang Araw

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967

Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.

Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya.  Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay.  Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit.  Siya nawa.

IKALAWANG ARAW
Nahahapis na Ina, nababatid ko ang hirap na iyong nadama nang sa Iyong paguwi sa Iyong tahanan ay naraanan mo ang kinatirikan ng Krus na kung saan ang iyong Anak na si Hesus ay nabitin at namatay. Ang Krus na yaon ang kinatampukan ng Kaniyang walang-hanggang pagliligtas.  Ang kahoy ng buhay na buong puso mong pinarangalan, sapagka’t sa pamamagitan noon, matatamo ang buhay at kaligayahang walang hanggan.  Nababatid ko na ang aking pagwawalang bahala ay nakararagdag sa kabigatan ng Krus at kahirapang iyong nadarama.  Nagsusumamo ako ngayon, Mahal na Ina, na tulungan mo ako sa paghingi sa Iyong Anak ng sapat na tapang, upang maipagpatuloy ko ang aking mga tungkulin at maiwasan ko ang mga kasamaan.  Ipagkaloob rin nawa sa akin ang aking mga kahilingan sa pamamagitan ng Nobenang ito kung ito’y karapat-dapat sa Iyong kaluwalhatian.  Siya Nawa.

Ilahad ang mga biyayang hinihiling at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang MEMORARE  atPAKIKIRAMAY- Panalangin Sa Araw-araw.

100_7488 

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.  Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.  Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan.  Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad.  Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo.  Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingcod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay.  Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan.  Siya nawa.

AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

REYNA NG KABITE
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.

Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat

Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!

Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y  tanglaw namin!

REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)

Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD:Unang Araw

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967

Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.

Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya. Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay. Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit. Siya nawa.

UNANG ARAW
Namimighating Ina ng nagpakasakit na Anak, nababatid ko ang hirap na iyong nadama, nang ilagak sa libingan at takpan ng mga taong nagmalasakit ang sugatan at walang buhay na katawan ng Iyong Anak. Alang-alang sa iyong mga pagpapakasakit ay pagkalooban mo ako, Mahal na Ina, ng mga biyayang kakailanganin sa tunay na pagsisisi. Loobin mong ang makasalanang kong sarili ay malibing kasama ng Iyong Anak at muling mabuhay alang-alang sa Kanyang kaluwalhatian na ngayon ay hinihiling ko sa pamamagitan ng nobenang ito. Siya nawa.

100_2551