|
(Ang simula ng parada ng pagtanggap ng Lungsod ng Kabite sa noo'y Papal Nuncio: Bruno Torpigliani sa araw ng Koronasyong Kanonikal ng Reina at Patrona ng Lalawigan ng Kabite.) |
|
|
(Ang opisyal na pagtanggap sa Papal Nuncio ng Mayor ng Lungsod) |
|
(Ang aktuwal na pagputong ng gintong korona sa orihinal na larawan ng Mahal na Birhen ng Soledad ng Porta Vaga.) |
|
(Matapos makoronahan, humalik ang Lubhang Kagalang-galang na Obispo sa Larawan ng Mahal na Ina, bilang tanda ng paggalang at pagmamahal sa Reina, Ina at patrona ng Lalawigan.) |
Nobyembre 17, 1978 nang buong pagtitibay na tinanghal ang LA VIRGEN DE LA SOLEDAD DE PORTA VAGA bilang Ina, REINA at Patrona ng buong lalawigan ng Kabite bilang pagkilala sa kanyang napaka bisang pamamagitan sa buong lalawigan sa mahigit tatlong siglo buhat nang Siya ay dumating at magpakita sa baybayin ng Cañacao sa Cavite Puerto. Ito ay ginanap sa kautusan ng noo'y bagong halal na Santo Papa, ang ngayo'y Venerable Juan Pablo Magno at pinagindapat sa pamamagitan ng kanyang kabunyian, Lubhang kagalang-galang, Bruno Torpigliani, Papal Nuncio sa Pilipinas noong mga panahong yaon. Ito ay bilang tugon sa kahilingan ng mga Kabitenyo at iba pang mga deboto sa buong mundo sa pangunguna ng minamahal na Obispo ng Imus, Obispo Felix Perez at noo'y Kura ng Parokya ng San Roque, Msgr. Baraquiel Mojica. Ang Korona Episcopal ay inihandog at nagmula sa Krus Pectoral ng Kanyang Kabunyian, Rufino Cardinal Santos, at ang Coronang Canonical ay handog ng mga mamamayan ng Kabite bilang pagtugon sa pagtatanghal sa Birhen bilang kanilang Reyna. Hanggang sa ngayon, ang mga nasabing handog na hiyas ay nagsisilbing maningning na halimbawa ng pagmamahal ng Kanyang mga deboto dahil sa Kanyang pagmamahal sa Kanila... Mabuhay ang REINA NG KABITE, ang ating LUZ DE FILIPINAS!
|
[Ang larawan ng Mahal na Ina na muling suot ang Koronang Kanonikal noong Fiesta ng 2009. Matatandaang halos sampung (10) taong hindi inilabas ang nasabing korona sa takot na baka ito ay mawala.] |
No comments:
Post a Comment