Wednesday, May 5, 2010

MGA AWIT SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD


REYNA NG KABITE

Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.

Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat

Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!

Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y tanglaw namin!

REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)

Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)



O PURISIMA FLOR

Oh purisima flor, dulce Madre
Que a Cavite de luz iluminas
Ha tres siglos que vio Filipinas
En su cielo tu rostro brillar

Y es la voz amorosa del Hijo
La que velva otra vez a cantarte
Y en su canto quisiera expresarte
Su tristeza su gozo su afan

Porta Vaga tu Trono querido
Fue por siglos, Señora, tu anhelo
Al tender el sus ojos de cielo
Sobre aqueste tu pueblo sin par

Y hoy tus hijos te ofrecen con cielo
Otro Templo, Señora, otro Altar


Para sa kopya ng awitin,
ipadala ang inyong email address
sa kahit isa sa mga sumusunod:
marc2700@yahoo.com
choleng111778@yahoo.com
jonnell28@yahoo.com

ANG PITONG HAPIS NG MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD





Ang Unang Sakit sa Kalinis-linisan at Nagdadalamhating Puso ni María

ANG PAMAMAHAYAG NG BANAL NA SIMEÓN

Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite!
Ilaw ka ng Pilipinas,
Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!

Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa sákit mo nang hinulaan ni Simeón ang puso mo’y magiging hantungan ng mga hirap ng mahal mong Anak. Alang-alang sa sákit na ito ay matutunan nawa naming harapin ang mga pagsubok na taglay ang paniniwala na sa dulo ng lahat ng ito ay naghihintay ang gantimpalang inilalaan ng Diyos para sa mga taong kinalulugdan Niya.

Simeon ay bakit kaya,
iyong hinulaang bigla
yaong kamatayang dusta
ni Hesus Haring dakila
ang sa Ina’y laking hirap
na sa puso at tumarak.

Virgen de la Soledad de Porta Vaga, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Virgen de la SOLEDAD, aming Ina at Reina,
Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na sadyang kay tatag!


Ang Ikalawang Sákit sa Kalinis-linisan at Nagdadalamhating Puso ni María
ANG PAGPUNTA SA EGIPTO

Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite!
Ilaw ka ng Pilipinas,
Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!

Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa sákit, pagod at kakulangang nadama mo nang Kayo ay naglakbay at manirahan sa Ehipto. Alang-alang sa sákit na ito ay ituro mo sa amin na maging matapat sa Diyos sa pagtupad sa Kanyang mga kautusan. Maging tulad mo nawa kami na matapat hindi lamang dahil sa udyok ng kautusan kundi dahil ito ay udyok ng pagmamahal.

Laking sindak ang tumimo
sa dalisay mong puso
sa pag-uusig nuong puno,
Herodes haring palalo.
Sa Ehipto kayo lumagak,
upang batang Hesus ay mailigtas.

Virgen de la Soledad de Porta Vaga, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Virgen de la SOLEDAD, aming Ina at Reina,
Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na sadyang kay tatag!


 

Ang Ikatlong Sákit sa Kalinis-linisan at Nagdadalamhating Puso ni María

ANG PAGKAWALA NG BATANG JESÚS SA TEMPLO


Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite!
Ilaw ka ng Pilipinas,
Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!

Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa sákit na nadama mo noong mawala ng tatlong araw ang Iyong Anak na si Hesús sa templo sa Herusalem. Ibigay mo sa amin alang-alang sa sákit na ito ang katatagan upang manatili kaming mabubuting Kristiyano at ang masaganang luha ng pagsisisi sa aming mga kasalanan na siyang sanhi ng pagkakalayo naming sa Diyos. Turuan mo kaming pahalagahan ang aming pananampalataya at pagsisihan ang aming mga kasalanan nang kami ay di mawalay sa Iyong Anak.

Sa mata mo ay bumaha
isang dagat na luha
nang ang batang si Hesus ay mawala,
ang pagod ay di sapala:
dibdib Mo’y halos mawalat
sa kadakilaan ng dusa’t hirap.

Virgen de la Soledad de Porta Vaga, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Virgen de la SOLEDAD, aming Ina at Reina,
Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na sadyang kay tatag!




Ang Ika-Apat na Sákit sa Kalinis-linisan at Nagdadalamhating Puso ni María

ANG PAGKIKITA NI MARÍA AT NI JESÚS
NA PASAN ANG CRUZ PATUNGO SA CALVARIO


Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite!
Ilaw ka ng Pilipinas,
Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!

Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa sákit na nadama mo noong makita mo ang kahabag-habag na lagay ni Hesukristong nagpapasan ng krus patungong Kalbaryo, pinaghihilahanan, inaalipusta’t minumura ng mga tampalasang Hudyo. Ibigay mo po sa amin alang-alang sa sákit na ito ang katatagan ng loob na tanggapin sa lahat ng pagkakataon ang kalooban ng Ama sapagkat sa gayong paraan lamang maaaring matamasa ang tamis ng kruz ni Kristo at mayakap ito ng buong pagmamahal at matagumpay na pasanin sa aming buhay.

Lubhang namamanglaw na Ina ng lalong nagpakasakit na Anak, nadarama namin ang kapighatiang Iyong naranasan nang ikaw ay manaog sa bundok ng Kalbaryo, na kung saan sinundan mo ang Iyong nagpapakasakit na Anak. Nais naming tangisan ang mga kasamaang dulot ng pakikitungo namin at pakiki-isa sa mga masasamang gawain --- mga kasamaang nagwawalay sa amin sa pagpapala ng Iyong Anak. Tulungan mo kamng makamtan ang kaliwanagan ng pag-iisip upang maunawaan namin ang aming mga kamalian at makatahak sa tamang landas ng buhay. At kung magiging marapat sa kapurihan Niya, at sa kagalingan ng aming kaluluwa, ay ipagkaloob nawa sa amin ang biyayang ninanasa namin dito sa septenariong ito. Siya Nawa.

Oh namimighating Ina!
Mukha’y hindi na makilala
ng Anak Mong sinisinta,
sa lansanga’y nagdurusa:
dala ang Krus na mabigat,
ang dugo’y dumadanak.

Virgen de la Soledad de Porta Vaga, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Virgen de la SOLEDAD, aming Ina at Reina,
Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na sadyang kay tatag!




Ang Ika-Limang Sákit sa Kalinis-linisan at Nagdadalamhating Puso ni María

ANG PAGKAPAKO AT PAGKAMATAY NI JESÚS SA CRUZ

Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite!

Ilaw ka ng Pilipinas,
Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!

Sa huling hantungan ng Iyong Anak, naroon ka rin Mahal na Señora upang kahit sa huling sandali’y maghain sa kanya ng pagmamahal at upang ihain din sa Ama ang Iyong sarili kaisa ng pag-aalay ng sarili ng Diyos Anak. Sinundan mo Siya hanggang sa Kruz. Sumampalataya ka hanggang sa Kruz. Ang Kruz nga ang palatandaan ng pagiging tunay na Kristiyano. At Kruz din ang dahilan kung bakit mahirap sumunod sa Panginoon. Tulungan mo kaming pasanin ang Kruz na ito O Inang mahal. At tulad mo’y maging bahagi din sana kami ng pag-aalay ng Panginoon, para sa aming kaligtasan at sa kaligtasan ng iba.

Lipos ng Pighating Ina ng lalong nahihirapang Anak, sino kaya ang makakaunawa ng kahirapang Iyong tiniis ng lumakad ka sa lansangang dinaanan ng Iyong pinahirapang Anak. Pagpapahirap, mga katampalasanan, pagpapako sa Krus, ang mga gunita nito ang nagdulot sa Iyo ng matinding hapis. Nawa’y tumimo sa aming isipan ang mga pagpapakasakit at mga kahirapang ito ni Kristo upang sa mga sandali ng aming panghihina at panlalamig, ang mga ala-alang ito ang magsilbing gabay tungo sa wastong pag-ibig sa Iyo at sa aming mga Kapatid. At kung magiging marapat sa Kanyang kaluwalhatian, at sa kagalingan ng aming kaluluwa, ay ipagkaloob nawa sa amin ang biyayang hinihingi namin sa septenariong ito. Siya Nawa.

Walang kabagay na hapis
Oh Ina, ang Iyong tiniis,
hindi sukat na malirip
ang iyong pagkakamasid
sa lagay ng Anak mong giliw at liyag
na sa Krus ay nagdurusa’t naghihirap.

Virgen de la Soledad de Porta Vaga, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Virgen de la SOLEDAD, aming Ina at Reina,
Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na sadyang kay tatag!




Ang Ika-Anim na Sákit sa Kalinis-linisan at Nagdadalamhating Puso ni María

ANG PAGBABABA SA CRUZ AT
PAGTANGGAP SA WALANG BUHAY NA KATAWAN NI JESÚS

Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite!
Ilaw ka ng Pilipinas,
Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!

Mahal na Señora, isama mo kami sa sákit na nadama mo nang ibaba sa Kruz at ilagak sa kandungan mo ang walang buhay ng katawan ng Iyong Anak. Alang-alang sa sákit na ito ay matutunan nawa naming higit na pahalagahan ang Panginoon at hindi ang mga materyal na bagay at mga kaabalahan na lumilipas at nawawala. Ang pagmamahal nawang ito ay makita sa pag-ibig namin sa aming kapwa lalung-lalo na sa mga nangangailangan ng aming kalinga.

Namimighating Ina ng lalong pinasakitang Anak, naririyan ka at nag-iisa sa mapanglaw na silid. Ang mapanglaw na gabi ay nagpapahiwatig sa Iyo na lumubog na ang araw ng katuwiran, si Hesus, na ngayon ay pinanawan na ng buhay sa bundok ng Kalbaryo. Ang masasayang araw na nagdudulot ng kaliwanagan ay natapos na. Ibang-iba ang mga sandaling ito kaysa sa nang mapuspos ka ng Espiritu Santo at naglihi sa Kanya, gayon din nang Siya ay isilang sa Bethlehem. Paano namin magiging marapatin ang aming sarili gayong natatalos naming kami at ang aming mga kasalanan ang sanhi ng lahat ng kalungkutang ito? Nangangako kami Mahal na Ina, pagsusumikapan naming maituwid ang aming mga pagkukulang at pagsusumikapang mamuhay sa katarungan upang maki-isa sa Kanya sa Kanyang kaluwalhatian. At nawa’y ang mga kahilingan namin sa pamamagitan ng septenariong ito ay aming makamtan. Siya nawa.

Nang nasa Iyong kandungan,
ang kay Hesus na bangkay,
Birheng Ina’y napasaan
ang sa Beleng kaaliwan?
Naparam na nga’t lumipas
ang madla mong tuwang lahat na.

Virgen de la Soledad de Porta Vaga, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Virgen de la SOLEDAD, aming Ina at Reina,
Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na sadyang kay tatag!





Ang Ika-Pitong Sákit sa Kalinis-linisan at Nagdadalamhating Puso ni María

ANG PAGDADALA KAY JESÚS SA LIBINGAN

Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite!
Ilaw ka ng Pilipinas,
Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!

Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa pangungulila at pag-iisa noong mailibing na ang Iyong Anak. Alang-alang sa sákit na ito ay madala nawa namin sa aming buhay ang pag-ibig sa Diyos at sa aming kapwa, upang maging amin ang buhay at kamatayan ni Cristo. Kami nawa ay mamatay sa pamamagitan ng pagpapakasákit at pagsisisi sa aming mga kasalanan, nang si Cristo ay mabuhay sa amin sa pamamagitan ng pag-ibig. Maibahagi nawa namin sa iba ang aming buhay upang maisabuhay namin ang buhay ni Kristong Iyong Anak.

Namimighating Ina ng nagpakasakit na Anak, nababatid namin ang hirap na Iyong nadama, nang ilagak sa libingan at takpan ng mga taong nagmalasakit ang sugatan at walang buhay na katawan ng Iyong Anak. Alang-alang sa Iyong mga pagpapakasakit ay pagkalooban mo kami, Mahal na Ina, ng mga biyayang kakailanganin sa tunay na pagsisisi. Loobin mong ang makasalanang naming sarili ay malibing kasama ng Iyong Anak at muling mabuhay alang-alang sa Kanyang kaluwalhatian na ngayon ay hinihiling namin sa pamamagitan ng septenariong ito. Siya nawa.

Sa akin ngayo’y wala na
ang buhay ko at ginhawa,
ilaw niring mga mata,
si Hesus kong sinisinta:
ang tawag na mapalad
sa aki’y hindi nararapat.

Virgen de la Soledad de Porta Vaga, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Virgen de la SOLEDAD, aming Ina at Reina,
Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na sadyang kay tatag!



Ang MILAGRO SA PORTA VAGA

La Virgen de la Soledad de Porta Vaga---tinatawag ding REINA DE CAVITE. Ang tagapagtangkilik ng Lungsod ng Cavite, ay siya ring sakdalan ng mga Caviteño sa mahigit na tatlong siglo. At sa puso ng bawat tunay na caviteño, sa kanilang buhay pananampalataya, ay matatagpuan ang kanilang Reyna.


Ayon sa tradisyon, Daang taon na ang nakararaan nang isang gabing napakalakas na unos habang nagbabantay ang isang sundalong kastila sa pintuan ng Porta Vaga, isang nakakasilaw na liwanag ang kanyang nakita na nagmumula sa maalong karagatan ng Cañacao. Nagulat at natakot sapagka’t hinihinalang ito ay mga piratang Muslim, sumigaw ang sundalo ng “Alto! Alto! (Hinto!)”. Habang papalapit ang liwanag sa kanyang kinatatayuan, isang kaakit-akit at malambing na tinig ang nagtanong kung bakit hindi niya nakikilala si Maria at sinabihan siyang Siya’y kanyang paraanin. Ang sundalo ay buong pitagan at pakumbabang nanikluhod sa harap ng Mahal na Birhen. Kinaumagahan ng gabing iyon, isang nakakuwadrong larawan ng Mahal na Birhen ng Soledad ang natagpuan sa pampang ng dagat, sa lugar kung saan nagpakita ang Mahal na Ina.


Sa mahabang panahon, maraming salaysay ang nasabi tungkol sa paraan ng pagdating ng larawan ng Mahal na Birhen sa baybayin ng Cavite. Maraming pagsasaliksik ang isinagawa upang itakda ang tiyak na petsa ng kanyang pagdating.

Natagpuan sa likod ng larawan na nakasulat: “A doze de Abril 1692 anños Juan de Oliba puso esta Stsma Ymagen Haqui.” Na ang ibig sabihin: ang banal na larawang ito ay inilagay dito ni Juan Oliba noong Abril 12, 1692. Gayun pa man, hindi isinasaad ang tiyak na petsa ng pagdating ng Mahal na Birhen. Ipinapalagay na ang nakasulat na petsa ay ang araw ng pagkaluklok ng Mahal na Birhen sa dambana ng Ermita de Porta Vaga noong ika-17 siglo. Ang mga nagmamahal na deboto ng La Virgen de la Soledad ay hindi sumang-ayon na idambana lamang ang larawan sa isa sa pitong simbahan sa Puerto de Cavite kung kaya’t napagpasiyahan nilang magtayo ng Ermita de Porta Vaga, isang kapilya na malapit sa pintuan ng Porta Vag, ang bakod na nagsisilbing pader sa pagpasok ng Puerto de Cavite. Sa mahigit na tatlong siglo, ito ang naging dambana ng Mahal na Birhen.



Ang pinagpipitaganang larawan ng La Virgen de la Soledad de Porta Vaga ay isang napakahalagang kayamanang ipinamana sa mga Caviteño mula sa kanilang mga “antepasados” (ninuno). Ayon sa ilang tao mula sa Antique Dealers Association of the Philippines, ang larawang ito ang pinakamatandang nananatiling larawan ni Maria dito sa bansa.
Si Maria ay inilalarawan bilang babaeng namimighati Si Maria ay nakadamit ng itim at puti, ay para bang nakaluhod habang pinagbubulay-bulayan ang paghihirap ng kanyang Anak. Nasa kanyang harapan ang koronang tinik at mga pako, na gamit sa pagpapahirap kay Kristo.


May mga tradisyong nagbibigay paliwanag sa larawan. Ayon sa matatanda, inilalarawan dito si Maria na namimighati habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang batang Hesus. Bago pa man isilang si Hesus, sinasabing nababanaagan na ni Maria ang sasapiting matinding pagpapakasakit ng Mesiyas, na naisulat nuong matagal na panahon ni Propeta Isaiyas. Ang isang debotong Hudyo na tulad ni Maria ay nakababatid sa mga kasulatan ng mga propeta.


Subalit ang pinakakilalang tradisyon ay yaong nagsasabing inilalarawan si Maria noong gabi ng unang Biyernes Santo. Dala ng matinding pighati, walang nagawa si Maria kung hindi ang manahimik sa kanyang pag-iisa at pagbulayan ang paghihirap at pagpapakasakit ng kanyang Anak.


Ang larawan ay pinta sa kanbas. Sa pagdami ng mga namimintuho, ang mga palamuti sa larawan ay nadaragdagan. Ang mga mananampalatayang Caviteño at mga mayayamang mangangalakal ng Manila Galleon Trade ay naghahandog ng mga mamahaling hiyas at ginto upang ipalamuti sa larawan ng Mahal na Birhen bilang tanda ng kanilang pasasalamat sa ligtas na pagbabalik mula sa paglalayag ng mga galleon at mga kalakal sa Cavite.


Ginamit din ng Arsobispo ng Maynila ang naturang larawan upang igawad ang pagbabasbas sa mga maglalayag na galleon sa Cavite patungong Mexico sa isang seremonya ng paghayo. Dahil dito, tinaguriang “Patrona ng mga Galleon” ang Mahal na Birhen ng Soledad.




Noong 1856, isang napakalakas na unos ang nagging sanhi ng pagbaha sa mga kabahayan, simbahan at paaralan sa loob ng Puerto. Ngunit ang Ermita at ang kapaligiran ng simbahan at natagpuang tuyo kung kaya’t sa nasabing kapilya sumilong ang mga tao.


Napakaraming mga himala ang nakamit sa pamamagitan ng La Virgen de la Soledad. Ang mahiwagang pagpapakita at di-maipaliwanag na pagdating ng larawan sa Cavite ay ang mga unang pagpapahayag ng kanyang mapaghimalang pamamatnubay. Nang nagkaroon ng unos noong 1830, tinamaan ng kidlat ang dambana ng Ermita na siyang dahilan ng pagkasunog ng altar at pagkawasak ng kapilya. Ngunit himalang hindi natupok ng apoy ang larawan ng Mahal na Birhen.


Taong 1857, isang kastilang barko na nakabase sa Cavite ang inabutan ng bagyo sa baybayin ng Rawis, Legaspi, na nagging sanhi upang mapadpad sa mabatong lugar at di makausad sa loob ng 22 araw. Isang tripolante ang nanalangin sa larawan ng La Soledad. Nang gabing yaon, nagpakita ang mahal na Briehng Maria. Tumaas ang tubig at lumakas ang ihip ng hangin na nagsilbing dahilan upang makaalis sa mabatong lugar at makapagpatuloy ng paglalayag.



Marami pang mga himala ang nakamit sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria sa paglipas ng panahon. Kabilang na ang mga pangkasalukuyang mga himala ng paggaling, pagpapanumbalik ng mga pamilya at paglutas ng iba’t ibang mga suliranin.


Ang magarbo at napakarangyang pagdiriwang ng kapistahan sa Cavite ay impluwensiya ng mga mayroong katungkulang kastila na naninirahan sa lumang Puerto.

Ayon sa matatandang Caviteño, ang karilagan at pinakamarangyang pagdiriwang ng kapistahan sa Cavite ay naganap noong panahon ng panunungkulan ni Don Juan Salcedo Y Mantilla de los Rios (1880-1886). Ang epidemya na naganap noong Oktubre 1882 ay napakatindi na nagging dahilan upang ipaantala ng Gobernador ang kapistahan hangga’t hindi nakakaahon ang Puerto sa pangyayari. At noong ika-20-21 ng Enero 1883, bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen, ipinagutos ng Gobernador na ipagdiwang ang kapistahan ng buong dingal. Nagpadala ng liham sa lahat ng mga nanunungkulan sa buong lalawigan at ipanag-uutos ang pakikilahok sa nasabing pagdiriwang. Sa araw ng kapistahan, ang mga kampana ng iba’t ibang simbahan sa Puerto ay masayang ipinapatunog at ang pasalba ng mga kanyon mula sa Royal Fort ng San Felipe ay maririnig sa araw ng pagdiriwang. Ang gobernadorcillos ng lahat ng bayan sa Cavite kasama ng kanilang mga opisyales (tenientes mayors, jefes de policies, ganados, sementeras, tenientes, cabezas de Barangay at aguaciles) na suot ang kanilang makukulay at magagarang uniporme ayon sa kanilang katungkulan ay dumalo kasma ng kani-kanilang mga banda. Lahat ng mga daanan ng Puerto ay napapalamutian ng mga naggagandahang arko. Nakasabit din ang mga samu’t saring kulay ng mga banderitas. Ang Calle Real ay nagliliwanag dahil sa mga palamuting kristal at makukulay na parol na tinatawag na globos, virinas at bombas. Ang mga daan patungong Ermita ay kinakikitaan ng mga sedera o mga pansamantalang tindahan na kung saan ay makabibili ng mga samu’t saring mga bagay.



Nobyembre 17, 1978 nang maganap ang Canonical Coronation ng Mahal na Birhen ng Soledad sa ngalan ng kanyang kabanalan, Papa Juan Pablo II sa pamamagitan ng Apostolic Nuncio sa Pilipinas, lubhang kagalang- galang Bruno Torpigliani. Ang kanyang Kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing ika-2 at ika-3 Linggo ng Nobyembre kada taon.



PANALANGIN NG KAHILINGAN SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD


Oh kabanal- banalan at nahahapis na Birhen ng Soledad, ikaw na nagbantay sa may paanan ng Krus at nakamasid sa paghihingalo ng Iyong Anak, Ikaw na nag-iisa at nangungulila samantalang buong pagmamahal kang nakatunghay sa koronang tinik at mga pako na siyang dahilan ng pagpapakasakit at pagkamatay ng Iyong Anak. Kami ay abang nakaluhod sa Iyong harapan upang magbigay galang sa Iyong mga hapis at maghandog ng kahilingan, puno ng pananalig sa santuwaryo ng Iyong sugatang puso. Ihandog mo, isinasamo namin, ang kahilingang ito kay Hesukristo alang-alang sa mga kapakinabangan ng Kanyang banal na pagpapakasakit, kalakip ang Iyong mga hapis sa paanan ng Krus, at sa buong bisa nito ay ipagtamo sa amin ang biyayang hinihiling namin.

(dito titigil sumandali at babanggitin ang mga kahilingan)

Kanino pa ba kami dudulog sa gitna ng aming mga pangangailangan at paghihirap kundi sa Iyo, o Ina ng awa? Ikaw na lumagok sa kalis ng Iyong Anak at may pusong maawain sa mga hinaing ng mga naglalakbay pa sa bayang ito ng hapis. O Mahal na Ina, na ang kaluluwa’y pinaglagusan na sundang ng hapis sa pagkakita sa pagpapakasakit ng Iyong Anak, ipanalangin mo kami at ipagkamit sa amin mula kay Hesus ang aming mga kahilingan kung nauukol sa lalong ikararangal at ikaluluwalhati Niya at sa kagalingan ng aming kaluluwa. Siya nawa.

(Ang orihinal na larawan ng Soledad sa loob ng antigong kamagong kuwadro nito.)
(Ang Ermita ng Porta Vaga)
(Ang Ermita ng Porta Vaga)
(Ang Virgen sa isa sa mga Misa Tridentina sa Kanyang karangalan.)
(Ang lumang altar ng San Roque)
(Ang lumang altar ng San Roque)
(Ang lumang simbahan ng San Roque: ESTA ES CASA DE DIO, PUERTA DEL CIELO)
(Pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Soledad noong 1948. Masdan ang maliwanag na facada ng simbahan.)

Tuesday, May 4, 2010

SOLEDAD sa VALENZUELA 2010


Sa loob ng humigit kumulang limang taon, ay nakikibahagi ang Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga sa taunang Grand Marian Exhibit and Procession sa Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima sa Valenzuela city.  Ngayong taon, ay nakatampok sa isang bahagi ng Exhibit ang opisyal na replica ng samahan at ito ay lalahok sa Grand Marian Procession sa Mayo 13, 2010 bilang pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima.


Ang Exhibit ay bukas simula Mayo 2 hangang Mayo 16, 2010
sa Museo Valenzuela, tabi ng Pambansang Dambana.


INTRAMUROS GRAND MARIAN PROCESSION 2009




(Ang maringal at dakilang Karosa ng Mahal na Patrona bago mag-umpisa ang Marian Procession)




Isa sa mga pinaghahandaang gawain kada taon ay ang pakikibahagi sa Intramuros Grand Marian Procession. Sa simula pa, buhat ng itatag ang Cofradia, ang samahan ang namahala kada taon sa paglabas ng Mahal na Reina de Cavite sa pinakamalaking pagtitipon ng mga deboto ng Mahal na Birhen sa buong bansa.  Tuwing Unang Linggo ng Disyembre, abala ang bawat opisyal aty kasapi ng samahan sa pagganap sa kanya-kanyang tungkulin upang higit na maipakilala at mapabantog ang nag-iisang Reyna ng Lalawigan ng Kabite at Ilaw ng Bansang Pilipinas.


Higit ngayong malaki at dakila ang pakikibahagi ng Cofradia de la Virgen de la Soledad sa taunang gawain na ito ng Cofradia de la Inmaculada Concepcion ng Intramuros.  Mas maraming Kabitenyo ang dumalo sahil na rin sa tulong at suporta ng bagong Kura Paroko ng San Roque na si Reb. Padre Cesar Reyes.  Bukod rito, nakibahagi rin si Reb. Padre Gilbert Reyes ng parokya ng San Antonio, Cavite city at Reb. Padre John Brillantes ng Apostolic Nuncio sa Pilipinas.


(Ang Estandarte de la Virgen de la Soledad na nangunguna sa delegasyon)


(Ang estandarte ng Cofradia kasunod ang maraming sagala na
handog ng debotong Fashion Designer mula sa iba't ibang bayan)


(Ang Una sa dalawang banda na umagapay sa delegasyon ng Reina de Cavite)


(Ang gumanap na Kapitana ng Soledad para sa taong 2009 na handog ni G. Mark Tumang Aldane)


(Si Bb. Karla Henry, Miss Earth 2009 na gumanap bilang Tinienta ng delegasyon sa 2009,
siya ay handog ni G. Jonathan Paul Rubio ng Meycauayan, Bulacan)



(Ang ilan sa mga kasapi ng Cofradia sa kanilang gala uniform)


(Si G.Resty Enriquez-Board member ng lalawigan, katuwang si Gng. Loida Dumali
na gumanap bilang mga Hermanas Mayores ng delegasyon)


(Ang maringal at dakilang Karosa ng Mahal na Patrona)



(Ang maringal at dakilang Karosa ng Mahal na Patrona na sinsabuyan ng silver confetti at rose petals bilang ala-ala ng ika-25 taong anibersary ng pagkakabalik ng Kanyang Orihinal na Larawan))




(Ang Opisyal na Vicaria ng Mahal na Birhen ng Soledad ng Porta Vaga.
Ang larawan ding ito ang nakadambana sa altar ng San Roque,
at siyang ginagamit sa Karokol ng Patrona)



(Ang maringal at dakilang Karosa ng Mahal na Patrona na pinatitingkad ng mga gayak nitong Catleya, Vandas, Dancing ladies at Rosas)



(Ang bagong Manto ng Virgen na handog ni G. Zandro H. Ilano ng Imus, Cavite)


(Ang Ikalawa sa dalawang banda na umagapay sa delegasyon ng Reina de Cavite)


(Ang delegasyon kasama ang Virgen patungo sa Reception Area sa Bistro Marinero.)


(Ilan sa mga Opisyal at kasapi ng Cofradia sa Bistro Marinero matapos ang prusisyon)