Wednesday, May 5, 2010

ANG PITONG HAPIS NG MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD

Ang Unang Sakit sa Kalinis-linisan at Nagdadalamhating Puso ni María

ANG PAMAMAHAYAG NG BANAL NA SIMEÓN

Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite!
Ilaw ka ng Pilipinas,
Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!

Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa sákit mo nang hinulaan ni Simeón ang puso mo’y magiging hantungan ng mga hirap ng mahal mong Anak. Alang-alang sa sákit na ito ay matutunan nawa naming harapin ang mga pagsubok na taglay ang paniniwala na sa dulo ng lahat ng ito ay naghihintay ang gantimpalang inilalaan ng Diyos para sa mga taong kinalulugdan Niya.

Simeon ay bakit kaya,
iyong hinulaang bigla
yaong kamatayang dusta
ni Hesus Haring dakila
ang sa Ina’y laking hirap
na sa puso at tumarak.

Virgen de la Soledad de Porta Vaga, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Virgen de la SOLEDAD, aming Ina at Reina,
Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na sadyang kay tatag!

Ang Ikalawang Sákit sa Kalinis-linisan at Nagdadalamhating Puso ni María
ANG PAGPUNTA SA EGIPTO

Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite!
Ilaw ka ng Pilipinas,
Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!

Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa sákit, pagod at kakulangang nadama mo nang Kayo ay naglakbay at manirahan sa Ehipto. Alang-alang sa sákit na ito ay ituro mo sa amin na maging matapat sa Diyos sa pagtupad sa Kanyang mga kautusan. Maging tulad mo nawa kami na matapat hindi lamang dahil sa udyok ng kautusan kundi dahil ito ay udyok ng pagmamahal.

Laking sindak ang tumimo
sa dalisay mong puso
sa pag-uusig nuong puno,
Herodes haring palalo.
Sa Ehipto kayo lumagak,
upang batang Hesus ay mailigtas.

Virgen de la Soledad de Porta Vaga, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Virgen de la SOLEDAD, aming Ina at Reina,
Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na sadyang kay tatag!

Ang Ikatlong Sákit sa Kalinis-linisan at Nagdadalamhating Puso ni María

ANG PAGKAWALA NG BATANG JESÚS SA TEMPLO

Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite!
Ilaw ka ng Pilipinas,
Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!

Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa sákit na nadama mo noong mawala ng tatlong araw ang Iyong Anak na si Hesús sa templo sa Herusalem. Ibigay mo sa amin alang-alang sa sákit na ito ang katatagan upang manatili kaming mabubuting Kristiyano at ang masaganang luha ng pagsisisi sa aming mga kasalanan na siyang sanhi ng pagkakalayo naming sa Diyos. Turuan mo kaming pahalagahan ang aming pananampalataya at pagsisihan ang aming mga kasalanan nang kami ay di mawalay sa Iyong Anak.

Sa mata mo ay bumaha
isang dagat na luha
nang ang batang si Hesus ay mawala,
ang pagod ay di sapala:
dibdib Mo’y halos mawalat
sa kadakilaan ng dusa’t hirap.

Virgen de la Soledad de Porta Vaga, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Virgen de la SOLEDAD, aming Ina at Reina,
Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na sadyang kay tatag!

Ang Ika-Apat na Sákit sa Kalinis-linisan at Nagdadalamhating Puso ni María

ANG PAGKIKITA NI MARÍA AT NI JESÚS
NA PASAN ANG CRUZ PATUNGO SA CALVARIO

Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite!
Ilaw ka ng Pilipinas,
Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!

Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa sákit na nadama mo noong makita mo ang kahabag-habag na lagay ni Hesukristong nagpapasan ng krus patungong Kalbaryo, pinaghihilahanan, inaalipusta’t minumura ng mga tampalasang Hudyo. Ibigay mo po sa amin alang-alang sa sákit na ito ang katatagan ng loob na tanggapin sa lahat ng pagkakataon ang kalooban ng Ama sapagkat sa gayong paraan lamang maaaring matamasa ang tamis ng kruz ni Kristo at mayakap ito ng buong pagmamahal at matagumpay na pasanin sa aming buhay.

Lubhang namamanglaw na Ina ng lalong nagpakasakit na Anak, nadarama namin ang kapighatiang Iyong naranasan nang ikaw ay manaog sa bundok ng Kalbaryo, na kung saan sinundan mo ang Iyong nagpapakasakit na Anak. Nais naming tangisan ang mga kasamaang dulot ng pakikitungo namin at pakiki-isa sa mga masasamang gawain --- mga kasamaang nagwawalay sa amin sa pagpapala ng Iyong Anak. Tulungan mo kamng makamtan ang kaliwanagan ng pag-iisip upang maunawaan namin ang aming mga kamalian at makatahak sa tamang landas ng buhay. At kung magiging marapat sa kapurihan Niya, at sa kagalingan ng aming kaluluwa, ay ipagkaloob nawa sa amin ang biyayang ninanasa namin dito sa septenariong ito. Siya Nawa.

Oh namimighating Ina!
Mukha’y hindi na makilala
ng Anak Mong sinisinta,
sa lansanga’y nagdurusa:
dala ang Krus na mabigat,
ang dugo’y dumadanak.

Virgen de la Soledad de Porta Vaga, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Virgen de la SOLEDAD, aming Ina at Reina,
Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na sadyang kay tatag!

Ang Ika-Limang Sákit sa Kalinis-linisan at Nagdadalamhating Puso ni María

ANG PAGKAPAKO AT PAGKAMATAY NI JESÚS SA CRUZ

Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite!

Ilaw ka ng Pilipinas,
Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!

Sa huling hantungan ng Iyong Anak, naroon ka rin Mahal na Señora upang kahit sa huling sandali’y maghain sa kanya ng pagmamahal at upang ihain din sa Ama ang Iyong sarili kaisa ng pag-aalay ng sarili ng Diyos Anak. Sinundan mo Siya hanggang sa Kruz. Sumampalataya ka hanggang sa Kruz. Ang Kruz nga ang palatandaan ng pagiging tunay na Kristiyano. At Kruz din ang dahilan kung bakit mahirap sumunod sa Panginoon. Tulungan mo kaming pasanin ang Kruz na ito O Inang mahal. At tulad mo’y maging bahagi din sana kami ng pag-aalay ng Panginoon, para sa aming kaligtasan at sa kaligtasan ng iba.

Lipos ng Pighating Ina ng lalong nahihirapang Anak, sino kaya ang makakaunawa ng kahirapang Iyong tiniis ng lumakad ka sa lansangang dinaanan ng Iyong pinahirapang Anak. Pagpapahirap, mga katampalasanan, pagpapako sa Krus, ang mga gunita nito ang nagdulot sa Iyo ng matinding hapis. Nawa’y tumimo sa aming isipan ang mga pagpapakasakit at mga kahirapang ito ni Kristo upang sa mga sandali ng aming panghihina at panlalamig, ang mga ala-alang ito ang magsilbing gabay tungo sa wastong pag-ibig sa Iyo at sa aming mga Kapatid. At kung magiging marapat sa Kanyang kaluwalhatian, at sa kagalingan ng aming kaluluwa, ay ipagkaloob nawa sa amin ang biyayang hinihingi namin sa septenariong ito. Siya Nawa.

Walang kabagay na hapis
Oh Ina, ang Iyong tiniis,
hindi sukat na malirip
ang iyong pagkakamasid
sa lagay ng Anak mong giliw at liyag
na sa Krus ay nagdurusa’t naghihirap.

Virgen de la Soledad de Porta Vaga, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Virgen de la SOLEDAD, aming Ina at Reina,
Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na sadyang kay tatag!

Ang Ika-Anim na Sákit sa Kalinis-linisan at Nagdadalamhating Puso ni María

ANG PAGBABABA SA CRUZ AT
PAGTANGGAP SA WALANG BUHAY NA KATAWAN NI JESÚS

Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite!
Ilaw ka ng Pilipinas,
Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!

Mahal na Señora, isama mo kami sa sákit na nadama mo nang ibaba sa Kruz at ilagak sa kandungan mo ang walang buhay ng katawan ng Iyong Anak. Alang-alang sa sákit na ito ay matutunan nawa naming higit na pahalagahan ang Panginoon at hindi ang mga materyal na bagay at mga kaabalahan na lumilipas at nawawala. Ang pagmamahal nawang ito ay makita sa pag-ibig namin sa aming kapwa lalung-lalo na sa mga nangangailangan ng aming kalinga.

Namimighating Ina ng lalong pinasakitang Anak, naririyan ka at nag-iisa sa mapanglaw na silid. Ang mapanglaw na gabi ay nagpapahiwatig sa Iyo na lumubog na ang araw ng katuwiran, si Hesus, na ngayon ay pinanawan na ng buhay sa bundok ng Kalbaryo. Ang masasayang araw na nagdudulot ng kaliwanagan ay natapos na. Ibang-iba ang mga sandaling ito kaysa sa nang mapuspos ka ng Espiritu Santo at naglihi sa Kanya, gayon din nang Siya ay isilang sa Bethlehem. Paano namin magiging marapatin ang aming sarili gayong natatalos naming kami at ang aming mga kasalanan ang sanhi ng lahat ng kalungkutang ito? Nangangako kami Mahal na Ina, pagsusumikapan naming maituwid ang aming mga pagkukulang at pagsusumikapang mamuhay sa katarungan upang maki-isa sa Kanya sa Kanyang kaluwalhatian. At nawa’y ang mga kahilingan namin sa pamamagitan ng septenariong ito ay aming makamtan. Siya nawa.

Nang nasa Iyong kandungan,
ang kay Hesus na bangkay,
Birheng Ina’y napasaan
ang sa Beleng kaaliwan?
Naparam na nga’t lumipas
ang madla mong tuwang lahat na.

Virgen de la Soledad de Porta Vaga, sa ami’y igawad and buhay na mapalad.

Aba Ginoong María, napupuno ka ng hapis, ang nagpakasákit na ipinako sa cruz ay sumasaiyo, bukod Kang namighati sa babaeng lahat at tanging kaisa Ka naman sa Mahal na Pasión ng Iyong Anak na si Jesús.

Santa María, Ina ng Manunubos, bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasákit. Ipanalangin mo kaming mga makasalanan na naging dahilan ng pagkapako Niya sa cruz, ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Amen.

Oh katamis-tamisang Virgen de la SOLEDAD, aming Ina at Reina,
Nawa’y kami’y matulad sa Iyong pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na sadyang kay tatag!

Ang Ika-Pitong Sákit sa Kalinis-linisan at Nagdadalamhating Puso ni María

ANG PAGDADALA KAY JESÚS SA LIBINGAN

Virgeng Nahahapis, Tala sa Karagatan, mabunying Ina at Reina ng Kabite!
Ilaw ka ng Pilipinas,
Virgeng dinarangal ng bayang sinisinta!

Ibig naming makiisa, Mahal na Señora, sa pangungulila at pag-iisa noong mailibing na ang Iyong Anak. Alang-alang sa sákit na ito ay madala nawa namin sa aming buhay ang pag-ibig sa Diyos at sa aming kapwa, upang maging amin ang buhay at kamatayan ni Cristo. Kami nawa ay mamatay sa pamamagitan ng pagpapakasákit at pagsisisi sa aming mga kasalanan, nang si Cristo ay mabuhay sa amin sa pamamagitan ng pag-ibig. Maibahagi nawa namin sa iba ang aming buhay upang maisabuhay namin ang buhay ni Kristong Iyong Anak.

Namimighating Ina ng nagpakasakit na Anak, nababatid namin ang hirap na Iyong nadama, nang ilagak sa libingan at takpan ng mga taong nagmalasakit ang sugatan at walang buhay na katawan ng Iyong Anak. Alang-alang sa Iyong mga pagpapakasakit ay pagkalooban mo kami, Mahal na Ina, ng mga biyayang kakailanganin sa tunay na pagsisisi. Loobin mong ang makasalanang naming sarili ay malibing kasama ng Iyong Anak at muling mabuhay alang-alang sa Kanyang kaluwalhatian na ngayon ay hinihiling namin sa pamamagitan ng septenariong ito. Siya nawa.

Sa akin ngayo’y wala na
ang buhay ko at ginhawa,
ilaw niring mga mata,
si Hesus kong sinisinta:
ang tawag na mapalad
sa aki’y hindi nararapat.

No comments: