Sunday, August 22, 2010

Iba't Ibang SOLEDAD: IIsang Inang Nangungulila at Nag-iisa.


Hindi maitatanggi ang pamoso at natatanging pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Soledad na makikita sa malawak na pagkalat ng debosyon dito. Isa sa mga maituturing na ebidensiya ng pagmamahal ng mga Pilipino sa dakilang ILAW NG PILIPINAS ay ang pagsibol ng iba't ibang bersyon ng mga larawan sa Soledad sa buong bansa. Ang pamimintuho sa Inang Nag-isa at Nangungulila ay makikita sa ilan sa mga antigong larawan ng Soledad sa ilang Parokya sa buong bansa. Kabilang dito ang sa Nueva Ecija, Camba, Maynila, Buhi Camarines, Gen. Tria, Cavite, at kung saan-saan pa.

(La Virgen de la Soledad de Nueva Ecija, se venera en la Iglesia de San Isidro, Nueva Ecija)

(La Virgen de la Soledad de Manila se venera en la Iglesia de Camba, Maynila.)
(La Virgen de la Soledad de Albay se venera en la Iglesia de Buhi)
(La Virgen de la Soledad de Albay se venera en la Iglesia de Buhi)
(Soledad de Malabon, Paroquia de San Francisco, Gen. Trias, Cavite)
(La Virgen de la Paloma, Madre de la Soledad, se venera en la Iglesia de Madrid, España)

(La Virgen de la Soledad de Oaxaca, Mexico)


(La Virgen de la Soledad de Granada, España)

(La Virgen de la Soledad de Ligas, Bacoor)
(La Virgen de la Soledad de Baliuag, Bulacan)

Saturday, August 21, 2010

SOLEDAD sa SAN ANTONIO, CAVITE CITY 2010



Bilang pagdiriwang ng MOTHERS' DAY, ginanap ang isang MARIAN PROCESSION sa Parokya ni San Antonio sa Cavite city noong Mayo 9, 2010. Ang Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. ang masidhing naglabas sa opisyal na replica ng samahan sa nasabing gawain.  Salamat kay Ginoong Ronald concepcion para sa mga larawan ng Patrona ng Lalawigan ng Cavite.







SOLEDAD sa AMAYA 2010

(Ang Patrona ng Amaya, Tanza, Cavite:STO. ROSARIO DE AMAYA)
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ika-50 taong anibersaryo ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ng Amaya, tanza, Cavite, pinaunlakan ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. ang marubdob na paanyaya para sa Marian Procession bilang pagbubukas na gawain sa nasabing pagdiriwang.  Ito ay ginanap noong Sabado, Hunyo 6, 2010.  Matapos ang buwanang pagpupulong ng samahan sa Cavite city, tumulak papuntang Tanza ang ilan sa mga kasapi ng Cofradia upang dalhin ang replica nito ng Reina ng Lalawigan ng Cavite.  Kabilang sa mga tumulong upang maging ganap ang gawaing ito ay ang Pangulo ng samahan: Bro. Jonnell Ryan Enriquez, at ilang kasapi na kinabibilangan nila Bro. Randy Sarinas, Bro. Dennis Victa, Bro. EJ Tiglao at Bro. Adrian Fabella. Sa maikling talumpati matapos ang prusiyon, ipinahayag ang lubos na kagalakan ng Kura Paroko ng Amaya na si Reb. Padre Eleomer G. Dendiego sa pakikiisa na ito ng mga deboto ng Soledad.  




(Ang maringal na karosa ng Mahal na Reina sa prusisyon sa Amaya.)

(Ang mga kasapi ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc.)


(Ang Patrona ng Lalawigan ng Kabite, katabi ang Patrona ng Amaya, Tanza, Cavite)
(Ang mga kasapi ng Cofradia, matapos ang prusisyon.)

Ang PELIKULA ni JULIE VEGA: ANG MILAGRO SA PORTA VAGA


Isa sa mga hindi malilimutang tagpo sa buhay-pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Soledad ay ang pagkakagawa ng isang pelikula ukol dito.  Ito ay pinagbidahan ng noo'y sikat na aktres: JULIE VEGA. Isa ito sa mga dahilan kung bakit higit na napalakas ang debosyon at mas lalong nakilala ang Mahal na Birhen ng Soledad sa buong bansa.

(Ang kartel ng Pelikula)
(Si Julie Vega sa isa sa mga tagpo sa Pelikula...Makikita sa kanyang likuran ang aktres na gumaganap bilang Mahal na Birhen ng Soledad.)

Nakalulungkot isipin na wala ng makitang kopya ng natatanging pelikulang ito.  Isa sa mga hinahangad o minimithi ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. ang makakuha ng kopya ng pelikulang ito, upang makatulong sa higit na pagpapalaganap ng debosyon.  Sa mga nais makatulong para dito, mangyaring makipag-ugnayan sa mga opisyal ng samahan sa mga sumusunod na numero:

Ryan: 09278564321
Marc: 09166136507

DALAW SOLEDAD 2010

(Ang Opisyal na Kartel ng Dalaw Soledad 2010)





(Ang Opisyal na Naglalakbay na Larawan ng Soledad sa Sampaloc, Maynila noong nakaraang taon)
Bilang patuloy na pagpapalakas, pagpapatatag at higit na pagpapalaganap ng pagdedebosyon sa LA LUZ DE FILIPINAS, muling isinasagawa ang Dalaw Soledad 2010 kasabay ng pagdiriwang ng ika-26 taong anibersaryo ng pagkakabalik ng orihinal na larawan ng Mahal na Birhen ng Soledad.  Ang comite ng nasabing gawain ay pinamumunuan ni Bro. John Rey "Niño" Figuerroa sa pakikipagtulungan ng Pangulo ng Cofradia na si Bro. Jonnell Ryan Enriquez.  Inaasahan na sa muling paglalakbay ng mapaghimalang larawan na ito ni Maria, ay mababahagi muli sa iba't ibang pamayanan ang biyayang makilala at maranasan ang mabisang maka-Inang pag-gabay at pamamagitan sa natatanging katawagang ito.  Siya na tinaguriang Ilaw ng Pilipinas at Reina ng Kabite ay magdadala kay Kristo na ating tunay na liwanag sa ating mga buhay, upang mapagindapat nating tawagin siyang ating Reina at Ina.

(Ang andas ng Opisyal na Naglalakbay na Larawan ng Birhen ng Soledad)

Agosto 20, 2010 - Ang ilan sa mga kasapi ng Cofradia sa Prayer House ng Daughters of St. Dominic sa Tagaytay city.






Friday, August 20, 2010

SOLEDAD sa NUNCIATURE 2009



Sa biyaya ng Diyos, binigyan ng natatanging pagkakataon ang Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. na mabigyan ng isang Apostolic Blessing mula sa Santo Papa Benito XVI sa pamamagitan ng Lubhang kagalang-galang na Obispo Edward Joseph Adams, Apostolic Nuncio sa Pilipinas. Noong Hulyo 28, 2009, nagkaroon ng audience ang mga opisyal at kasapi ng samahan sa Nunciature kasabay ang paggawad ng nasabing bendisyon, at ang pagbabasbas sa Pambansang Naglalakbay na Replica ng ating Mahal na Patrona.

(Si Padre Vir Mendoza habang tinatanggap ang Apostolic Blessing
mula Obispo Edward Jospeh Adams para sa samahan)


(Ang Obispo Edward Jospeh Adams
matapos tanggapin ang medalya ng Cofradia)

(Ang Besamanos matapos ang paggawad ng basbas)

Ipinahayag ng Obispo Edward Joseph Adams ang kanyang lubos na kasiyahan na makaharap ang mga kasapi ng Cofradia at ang larawan ng ating mahal na Reina. kanyang sinabi na nais niyang makita at makaharap ang orihinal na mapaghimalang larawan Birhen ng Soledad at maparangalan ang Reina at Patrona ng Lalawigan.


(Si Padre Vir habang isinasalaysay ang kwento ng ating Mahal na Reina)


(Ang ilan sa mga kasapi matapos ang paggawad ng basbas.)

 (Ang mga opisyal ng samahan na nagbibigay-galang sa Papal Nuncio)


(Si Padre Vir Mendoza, patnugot ng Cofradia at Padre John Brillantes, Tagapag-payo ng Cofradia, 
habang isinasalaysay ang layunin at gawain ng Cofradia.)
(Ang mga opisyal at kasapi ng Cofradia bagao mamaalam sa Papal Nuncio. Natatangi din ang pagsama ng isang opisyal ng Cofradia de la Inmaculada Concepcion ng Intramuros, Maynila na si Bro. Jorge Alan R. Tengco sa pambihirang kaganapan na ito.)


(Ang ilan sa mga kasapi at opisyal ng Cofradia sa labas ng Nunciature.)