Friday, August 26, 2011

INTRAMUROS GRAND MARIAN PROCESSION 2010

Disyembre 5, 2010


Isa sa mga pinaghahandaang gawain kada taon ay ang pakikibahagi sa Intramuros Grand Marian Procession. Sa simula pa, buhat ng itatag ang Cofradia, ang samahan ang namahala kada taon sa paglabas ng Mahal na Reina de Cavite sa pinakamalaking pagtitipon ng mga deboto ng Mahal na Birhen sa buong bansa.  Tuwing Unang Linggo ng Disyembre, abala ang bawat opisyal at kasapi ng samahan sa pagganap sa kanya-kanyang tungkulin upang higit na maipakilala at mapabantog ang nag-iisang Reyna ng Lalawigan ng Kabite at Ilaw ng Bansang Pilipinas.

Ang Virgen de la Soledad habang inihahanda sa
pinakamalaking prusisyon ng mga larawan ng Mahal na Birhen

Ang Virgen de la Soledad habang inihahanda sa
pinakamalaking prusisyon ng mga larawan ng Mahal na Birhen

Ang ilan sa mga kasapi at opisyal ng Cofradia matapos ang mga paghahanda.

Ang Pilak ng Burdadong kapa ng Birhen





Ang Prusisyon sa loob ng makasaysayang Intramuros

Ang Prusisyon sa loob ng makasaysayang Intramuros

Ang Prusisyon sa loob ng makasaysayang Intramuros
Ang tumayong Tinienta ng deleagsyon sa taong 2010.

Ang ilan sa mga tumayong Hermanos y Hermanas Mayores para sa taong 2010:
Mayor Romeo Ramos (Cavite city) at Gng. +Lina Villarete Andres (Las Pinas city)

Ang mga Kaparian at Seminarista na umagapay sa Caroza ng Mahal na Reina.
Bro. Marlon Camino, Reb. Pd. Cesar R. Reyes, Reb. Pd. Gilbert L. Reyes, at Bro. JM Paguio

Ang ilan sa mga tumayong Hermanos y Hermanas Mayores para sa taong 2010:
G. Joe Llacuna (Cavite city) at Gng. Carmencita Villegas Reyes (Pateros)

Ang isa sa mga tumayong Hermanas Mayores para sa taong 2010:
Gng.  Ma. Theresa Torres Palado (Maynila)

Ang mga Kaparian at Seminarista na umagapay sa Caroza ng Mahal na Reina.
Bro. Marlon Camino, Reb. Pd. Cesar R. Reyes, Reb. Pd. Gilbert L. Reyes, at Bro. JM Paguio

Ang isa sa mga tumayong Dama de Maria ng delegasyon ng Reina de Cavite.

Ang isa sa mga tumayong Dama de Maria ng delegasyon ng Reina de Cavite.

MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG MGA SUMUPORTA at NAKIISA sa delegasyon ng nag-iisang INA, REYNA at PATRONA NG LALAWIGAN NG KABITE noong nagdaang Intramuros Grand Marian Procession. Muli, napatunayan natin sa lahat ang ating marubdob at nag-aa...lab na debosyon at pagmamahal sa ating nagiisang pinakamamahal na Pintakasi---LA VIRGEN DE LA SOLEDAD DE PORTA VAGA.

Sa natatanging paraan pinasasalamatan natin ang mga sumusunod:
Reb. Pd. Cesar R. Reyes Jr.
Reb. Pd. Virgilio Saenz Mendoza
Reb. Pd. Gilbert Reyes
Reb. Pd. Allain Manalo
Mayor Romeo S. Ramos
Reb. Pd. Dominic Lim

Cavite Camera Club
Parokya ng NS de Guia, Magallanes, Cavite
Parokya ng Inmaculada Concepcion ng Naic, Cavite

Mga deboto mula sa Imus, Bacoor, Amadeo, Kawit, Naic, Maragondon, Noveleta, Gen. Trias, Tanza, Rosario, Silang, Tagaytay,Dasmariñas, Makati, Quezon city, Pateros, Pasay, Maynila, Bulacan, Cebu, Caloocan, Las Piñas, Parañaque, Tanay, Taytay, Batangas, Valenzuela, at sa iba't iba pang panig ng bansa.

Gng. Ma. Teresa Torres Palado
Gng. Jennifer Palado Santiago
Gng. Lina V. Andres
Gng. Carmencita V. Reyes
G. Joe Llacuna
Babes Davantes
Pencil Diestra
Kenneth Chua
Louie De la Cruz
Mamu Noel Bayon
Zandro Ilano
Ronald Trupel

St. Gregory College
Parokya ng San Roque, Cavite city
Parokya ng San Antonio, Cavite city
Parokya ng San Pedro, Cavite city

at sa inyong lahat na walang sawang nagtitiwala at naniniwala sa adhikain ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga.Mabuhay ang Patrona ng Lalawigan ng Kabite, Mabuhay ang Ilaw ng Pilipinas!


Thursday, August 25, 2011

PROCESSION OF REPARATION

The Virgen de la Soledad approaching the Cultural Center of the Philippines


The Virgen de la Soledad infront of the CCP.

The Virgen de la Soledad at the CCP.
Rev. Fr. Jojo Zerrudo following the Virgen de la Soledad at the Procession.

At the Procession of Reparation, August 14, 2011, Roxas Blvd., Pasay city
The Cofradia de la Virgen de la Soledad participated in a Procession of Reparation last August 14, 2011, eve of the Solemnity of the Assumption of Our Lady, for the sacrileges, blasphemies committed at the Cultural Center of the Philippines, particularly by the controversial exhibit: "Kulo".  Below are excerpts on the real essence of reparation.


=========================================================================

In the past weeks we have witnessed the uproar created by the exhibit of art works by the Cultural Center of the Philippines purportedly on modern art mixed media installations on contemporary themes. Many agree that the work over-reached the boundaries of freedom of expression. Most say it is offensive and a great affront to Catholics and Christians, and to all people who value decency. To them the work is “trash.”



For us Catholics and Christians, the offense goes beyond visual senses; it strikes into our souls. The public exhibition of the repulsive work is sacrilege and blasphemy. It is a sin. It has deeply offended the Father, Jesus, the Holy Spirit, the Blessed Mother, and our Church.  As Church we will kneel before our loving God to pray and seek reparation for this public sin. (Excerpts from the Memorandum of His Excellency, Gaudencio Cardinal Rosales, Archbishop of Manila)

PANALANGIN NG PAGBABAYAD-PURI 

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhày, 
dahil sa labis mong pag-ibig sa aming mga makasalanan, 
nagkatawang-tao ka at nag-alay ng iyong buhay sa krus.
Nararapat kang pasalamatan, parangalan, at purihin, 
ngunit may mga tao, na dahil sa maling paggamit ng kanilang kalayaan 
ay nililibak ang inyong pagka-Diyos at ang karangalan ng iyong Ina 
sa ng paglapastangan sa inyong banal na imahen at ituring itong sining.

Lubos kaming nababagabag at nahihiya, Panginoong Hesus, 
kaya't kami'y buong pakumbabang lumuluhod 
sa harap ng inyong dakilang kamahalan 
upang humingi ng kapatawaran 
mula sa iyong maawain at mapagpatawad na puso 
sa walang pakundangang paglapastangan sa iyong karangalan.

Matindi ang aming pagkamuhi sa mga taong may kagagawan nito, 
ngunit tinuruan mo kaming magpatawad tulad ng pagpapatawad mo sa amin. 
Alam man nila ang kanilang ginagawa o hindi, 
ipinapanalangin namin sila:
Panginoong Hesus, pagkalooban mo sila ng biyaya ng tunay na pagtitika 
at imulat mo ang kanilang mga isip kung ano ang marangal at maganda, 
kung ano ang nagbibigay ng mabuting halimbawa
at gumagalang sa paniniwala ng iba. 
Ipinapanalangin din namin ang aming sarili: 
Panginoong Hesus, pagkalooban mo kami ng biyaya 
na mamuhay kami bilang mga tunay na Kristiyano 
upang kami'y maging mga walang bahid mong kawangis 
at mga buhày na saksi ng iyong pag-ibig at pagpapatawad.

Panginoon, kaawaan mo kami. 
Kristo, kaawan mo kami. 
Panginoon, kaawaan mo kami.

==================================================
In the Roman Catholic tradition, an Act of Reparation is a prayer or devotion with the intent to repair the "sins of others", e.g. for the repair of the sin of blasphemy, the sufferings of Jesus Christ or as Acts of Reparation to the Virgin Mary. These prayers do not usually involve a petition for a living or deceased beneficiary, but aim to repair sins.
In his encyclical Miserentissimus Redemptor Pope Pius XI defined reparation as follows:  "The creature's love should be given in return for the love of the Creator, another thing follows from this at once, namely that to the same uncreated Love, if so be it has been neglected by forgetfulness or violated by offense, some sort of compensation must be rendered for the injury, and this debt is commonly called by the name of reparation."   Pope John Paul II referred to reparation as the "unceasing effort to stand beside the endless crosses on which the Son of God continues to be crucified".

DUTY OF REPARATION
In the encyclical Miserentissimus Redemptor Pope Pius XI called acts of reparation a duty for Roman Catholics: "We are holden to the duty of reparation and expiation by a certain more valid title of justice and of love, of justice indeed, in order that the offense offered to God by our sins may be expiated" The pontiff further emphasized, "Moreover this duty of expiation is laid upon the whole race of men."

FROM SOME MARIAN APPARITIONSThe need for reparation has been mentioned in some Marian apparitions. The messages of Our Lady of Akita, which were formally approved by the Holy See in 1988 by Cardinal Joseph Ratzinger (now Pope Benedict XVI) include the following statement attributed to the Blessed Virgin Mary: "Many men in this world afflict the Lord. I desire souls to console Him to soften the anger of the Heavenly Father. I wish, with my Son, for souls who will repair by their suffering and their poverty for the sinners and ingrates." Our Lady of Fatima messages have also emphasized the need for reparations. According to the child seers, Mary asked them to make sacrifices to save sinners. By this the children understood her to mean moderate acts of mortification of the flesh.

(From Wikipedia)

MGA BAGONG HALAL NA OPISYAL NG COFRADIA



Ang Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc., ay kamakailaý naghalal ng mga bago nitong opisyal na maninilbihan sa loob ng dalawang (2) taon. Gaya ng nasasaad sa bagong pinagtibay ng Saligang Batas ng samahan, ang nasabing halalan ay magaganap kada dalawang (2) taon sa buwan ng Mayo sa oras at lugar na sinang-ayunan sa pagpupulong ng buwan ng Marso. Sa biyaya ng Diyos at sa gabay at inspirasyon ng ating Ina, Reyna at Patrona, La Virgen de la Soledad de Porta Vaga, ang mga bagong opisyal ay magsisilbi hanggang 2013. Sila ay sina: 

PANGULO: Jonnell Ryan I. Enriquez
IKALAWANG PANGULO SA UGNAYANG PANLABAS: Ronaldo R. Gamboa
IKALAWANG PANGULO SA UGNAYANG PANLOOB: Norma Soledad Z. Peña
KALIHIM: Marvin A. Arnaldo
TAGAPAGTALA: Larry O. Sta. Elena
INGAT-YAMAN: Ronald M. Trupel 
TAGAPAGTUOS: Jason J. Anciro 
PANLAHAT NA TAGAPAG-UGNAY (PRO): Jonas Louie A. Banzali

Upang higit na mapagbuti ang kalalagayan ng samahan, nagtalaga ang Pangulo ng KAAKBAY NA OPISYAL (Technical Support Group) na tutulong sa mga nasabing opisyal kung kinakailangan. Ito ay pinagtibay ng lagiang kapulungan ng Hunyo at Hulyo 2011:


KAAKBAY NG IKALAWANG PANGULONG PANLABAS: Ferdinand N. Montano
KAAKBAY NG IKALAWANG PANGULONG PANLOOB: Elizabeth DC. Ricamata at Myrna S. Ocampo
KAAKBAY NG KALIHIM: Andrew Roland T. Portacio at Dandy T. Palaganas
KAAKBAY NG TAGAPAGTALA: Rosana F. Ramos
KAAKBAY NG INGAT-YAMAN: Mary Anne M. Macavinta
KAAKBAY NG TAGAPAGTUOS: Carmelita Ghit C. Perello
KAAKBAY NG PANLAHAT NA TAGAPAG-UGNAY (PRO): George J. Ricamata

Kasunod nito, ang pormal na pagtatalaga at paghahayo ay iginawad ni Reb. Pd. Virgilio Saenz Mendoza, Patnugot at Fundador ng Cofradia noong Agosto 6, 2011, sa Pandiosesanong Dambana ng Inmaculada Concepcion sa Naic, Kabite. Inaasahang sa mga susunod na araw at higit na magiging aktibo at matatatag ang samahan para sa higit na ikalalakas ng debosyon sa nag-iisang Ina, Reyna at Patrona ng Kabite. Hinihilingan ang lahat lalo't higit ang mga deboto ng Mahal na Birhen ng Soledad na isama sila sa inyong mga panalangin.

Pagbebendisyon sa Pag-aalay sa Misa
Mayo 7, 2011
Misa de la Reina  bago ang Halalan


Ang Halalan
Mayo 7, 2011


Ang mga dating Opisyal ang nagsilbing COMELEC para
sa pagsasaayos ng Halalan

Ang Pagbibilang ng mga Boto

Ang mga Bagong Halal na Opisyal


Ang Rito ng Panunumpa at Pagtatalaga
ng mga Bagong Halal na Opisyal at Bagong Talaga na  mga Kaakbay na Opisyal


Ang mga Bagong Halal at Talagang Opisyal ng Cofradia
(Kaliwa-Kanan:  Ingat-Yaman-Ronald Trupel, Ext.VP-Nonie Gamboa, Pangulo-Ryan Enriquez,
Int.VP-Soledad Pena, Auditor-Jason Anciro, Sec.-Marvin Arnaldo, PRO-Jonas Banzali)

Ang mga Bagong Halal na Opisyal at ang kanilang mga Kaakbay na  Opisyal

Ang mga Bagong Halal at Talagang Opisyal ng Cofradia
Agosto 6, 2011





DALAW SOLEDAD 2011


Ang Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc., ay itinatanghal ang opisyal na naglalakbay na larawan ng mapaghimala at tanyag na Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Ina, Reyna at Patrona ng Lungsod at Lalawigan ng Kabite sa iba't ibang pamayanan upang ibahagi ang dakilang biyaya na makilala Siya at maranasan ang mabisa at palagiang pagtulong at paggabay ng Mahal na Birhen sa nasabing katawagan. Ang gawaing ito ay bahagi rin ng ika-27 taong anibersaryo muling pagkakabalik ng orihinal na larawan ng Mahal na Birhen ng Soledad sa Lungsod ng Kabite.

Ang gawaing ito ay magaganap simula Agosto hanggang Oktubre 2011 at magtatapos sa taunang pista sa Lungsod ng Kabite sa ika-2 at ika-3 Linggo ng Nobyembre.

Para sa iba pang katanungan at paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa email: choleng111778@yahoo.com o jonnell28@yahoo.com

==================================
TALAAN NG MGA GAWAIN:

Agosto 7-14, 2011
KAPILYA ng RADYO VERITAS
Lungsod ng Quezon

Agosto 14-21, 2011
Parokya ni San JoseAnonas
Lungsod ng Quezon

Agosto 21-28, 2011
Parokya ng Panginoon ng Mabathalang Awa
Sikatuna, Lungsod ng Quezon

Agosto 28-Setyembre 4, 2011
Parokya ng Krus ng Ligas
Lungsod ng Quezon

Setyembre 4 - 11, 2011
Parokya ni San Pedro Apostol
Commonwealth Avenue,
Lungsod ng Quezon

Setyembre 11- 18, 2011
Parokya ng Mahal na Birhen ng Lourdes
Camarin, Novaliches, Lungsod ng Quezon

Setyembre 18- 25, 2011
Parokya ng Mahal na Birheng Auxiliadora
Maypajo, Lungsod ng Kalookan

*ANG TALAAN NG IBA PANG KUMPIRMADONG GAWAIN PARA SA BUWAN NG SETYEMBRE AT OKTUBRE AY SUSUNOD NA IUULAT SA MGA DARATING NA ARAW.


Rito ng Pamamaalam at Paghahayo
Pandiosesanong Dambana ng Inmaculada Concecion
Naic, Kabite
Rito ng Pamamaalam at Paghahayo
Pandiosesanong Dambana ng Inmaculada Concecion
Naic, Kabite
sa Kapilya ng Radyo Veritas, Lungsod ng Quezon
Mainit na Pagtanggap sa Parokya ni San Jose,
Anonas, Lungsod ng Quezon

Mainit na Pagtanggap sa Parokya ni San Jose,
Anonas, Lungsod ng Quezon



Pamamaalam sa Parokya ni San Jose,
Anonas, Lungsod ng Quezon
Prusisyon mula Anonas patungong Siktuna, Lunsod ng Quezon

Mainit na Pagtanggap sa
Parokya ng Panginoon ng Mabathalang Awa
Sikatuna, Lungsod ng Quezon

Mainit na Pagtanggap sa
Parokya ng Panginoon ng Mabathalang Awa
Sikatuna, Lungsod ng Quezon

Mainit na Pagtanggap sa
Parokya ng Panginoon ng Mabathalang Awa
Sikatuna, Lungsod ng Quezon

Mainit na Pagtanggap sa
Parokya ng Panginoon ng Mabathalang Awa
Sikatuna, Lungsod ng Quezon

http://www.facebook.com/pages/Nuestra-Senora-dela-Soledad-de-Porta-Vaga/278000617440

Friday, October 15, 2010

FIESTA 2010




FIESTA 2010
SCHEDULE OF ACTIVITIES

DALAW BIRHEN NG SOLEDAD
September 2– October 8 : San Antonio de Padua Parish        
October 6-October 7 : Stella Maris Chapel
October 7-October 8 : St. Joseph, the Worker Chapel
October 24-October 25 : La Naval Chapel
October 4- November 4 : St. Peter Parish
October 8- November 4 : San Roque Parish

NOVENA
November 5-November 13,   San Roque Parish

EXHIBIT OF DIFFERENT IMAGES/ICONS OF THE VIRGIN OF SOLITUDE
November 5-November 13, San Roque Parish
           
BENEFIT BALL 
November 6, Saturday, 6PM, Montano Hall           

THANKSGIVING RALLY/ MOTORCADE
November 12, Friday, 2:30PM
Assembly 1PM Coastal Bay Subdivision

BLESSING OF ADORATION CHAPEL, GARAGE, ELECTRICAL ROOM, STAFF ROOM
November 12, Friday, 5PM, San Roque Parish

Blessing Bell Tower    
November 12, Friday, 5:30PM, San Roque Parish

CONCELEBRATED MASS
November 12, Friday, 6PM, San Roque Parish
To be presided by:
Most Rev. Bishop Luis Antonio G. Tagle, D.D., S.T.D.
Bishop of Imus

KARAKOL
November 13, Saturday, 8:30AM
Assembly at San Roque Parish 

CONCELEBRATED MASS
November 13, Saturday, 1PM, Samonte Park Covered Court
To be presided by:
Most Rev. Bishop Cirilo R. Almario, Jr.
Bishop Emeritus of Malolos

HARANA SA NUESTRA SENORA DE LA SOLEDAD DE PORTA VAGA
November 13, Saturday, 8PM, San Roque Parish

CONCELEBRATED MASS                   
November 14, Sunday, 9AM, San Roque Parish
To be presided by:
Most Rev. Bishop Pedro D. Arigo, D.D.
Vicar Apostolic of Puerto Princesa, Palawan

SOLEMN PROCESSION
November 14, Sunday, 7PM, San Roque Parish

OCTAVA
November 14–November 20, San Roque Parish

FEEDING PROGRAM FOR 600 CHILDREN
November 19, Friday, 10AM, San Roque Parish
Sponsored by U.S. Retired Activities Office Cavite (RAO Cavite)

CULTURAL SHOW
November 19, Friday, 4PM, San Roque Parish
Sponsored by the City Government

PALARONG CAVITENO
November 20, Saturday, 8AM, R. Basa Street
Sponsored by the City Government

COMELONA
November 20, Saturday, 9AM, R. Basa Street
Sponsored by the City Government

PARADE OF DIFFERENT NUESTRA SENORA DE LA SOLEDAD DE PORTA VAGA IMAGES/ICONS
November 20, Saturday, 3PM, San Roque Parish
           
HOLY HOUR
November 21, Sunday, 4AM, San Roque Parish

PROCESSION, CHRIST THE KING
November 21, Sunday, 5AM, San Roque Parish

CONCELEBRATED MASS
November 21, Sunday, 8:30AM, San Roque Parish
To be presided by:
Most Rev. Bishop Manuel C. Sobrevinas, D.D.
Bishop Emeritus of Imus

CONFIRMATION
November 21, Sunday, 10AM, San Roque Parish

CONCELEBRATED MASS
November 21, Sunday, 6PM, San Roque Parish
Team Parishes:
(San Roque, San Antonio de Padua, St. Peter,Stella Maris, St. Joseph, the Worker, La Naval)

GRAND PROCESSION
November 21, Sunday, 7:30PM, San Roque Parish


HERMANO MAYOR:
Jose B. LLacuna
PARISH PRIEST:
Rev. Fr. Cesar R. Reyes, Jr.
Parochial Vicar:
Rev. Fr. Nasario Portillo
Rev. Fr.Angel Mariano

                                                                                                                                   
                                   

Saturday, October 2, 2010

KAPISTAHAN ng INANG NAGDADALAMHATI

Salve sa Mahal na Birhen na pinangunahan ni Reb. Pd. Vir Mendoza.

Pagdadala sa Caroza na pinangunahan ni Msgr. Roy Rosales
Pagdadala sa Caroza na pinangunahan ni Msgr. Roy Rosales
Maringal na Prusisyon sa karangalan ng Ina ng Hapis
Maringal na Prusisyon sa karangalan ng Ina ng Hapis
Maringal na Prusisyon sa karangalan ng Ina ng Hapis
Maringal na Prusisyon sa karangalan ng Ina ng Hapis
 
Setyembre 15, 2010,
Pinangunahan ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. ang muling pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Soledad bilang INA NG HAPIS.

Sa pahintulot at buong suporta ng ating Mahal na Kura Paroko ng Parokya ni San Roque at Dambana ng Mahal na Birhen ng Soledad--Reb. Pd. Cesar R. Reyes, Jr., pinangunahan ni Reb. Pd. Virgilio Saenz Mendoza ang Misa Concelebrada para dito. Siya ay sinamahan ni padre Cesar, at nila: Reb. Msgr. Roy M. Rosales–-Kura Paroko at Rektor ng Dambana ni Sta. Marta sa Pateros, Reb. Pd. Nasario Portillo–-Parochial Vicar ng San Roque at Reb. Pd. Angelo Mariano–-Bisitang Pari.

Ang pagdiriwang ay sinundan ng isang maikli ngunit maringal at naaangkop na prusisyon kasama ang Orihinal at banal na Larawan ng Virgen de la Soledad.

Sa pagtutulungan ng lahat ng kasapi ng Cofradia at ng mga taga suporta nito, maayos na naidaos ang nasabing gawain. Ipinaaabot ng pamunuan ng samahan ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga tumulong, nakiisa at sumuporta.

VIVA LA VIRGEN DE LA SOLEDAD DE PORTA VAGA!

Sunday, August 22, 2010

SOLEDAD sa TAYTAY 2009

Matapos mabendisyunan ni Padre Avel Sapida sa buwanang Misa de la Reina, idinambana sa Parokya ng San Juan Bautista, Taytay-Rizal ang isang replica ng Mahal na Birhen ng Soledad ng Porta Vaga noong Abril 4, 2009, Sabado de Pasion, bilang bahagi ng maringal na pagdiriwang ng mahal na araw ng nasabing pamayanan.  Ang nasabing pagluluklok ay pinamunuan ni Bro. Richard Quiocho, kasapi ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. at siyang recamadero ng nasabing replica. Ang gawaing ito ay sinundan ng isang Lenten Exhibit kung saan ang Birhen ng Soledad ang itinampok bilang "festejada". Inaasahang sa nasabing gawain, magsisimula ang isang marubdob at malalim na pagdedebosyon sa Mahal na Reina ng Cavite sa dakong ito.

(Ang replica ng Virgen de la Soledad sa Taytay, Rizal.)
(Ang Birhen ng Soledad sa altar ng Parokya ni San Juan Bautista.)
(Ang replica ni Bro. Richard Quiocho na sinasamahan ng ilang kasapi ng Cofradia)
(Ang Birhen de la Soledad, buhat ng Hijos de Nazareno ng Taytay, Rizal.)
(Ang Birhen de la Soledad, buhat ng Hijos de Nazareno ng Taytay, Rizal.)
(Ang Birhen de la Soledad sa gitna ng Lenten Exhibit ng Taytay.)
(Ang Birhen de la Soledad sa gitna ng Lenten Exhibit ng Taytay.)
(Ang luklukan ng Mahal na Birhen de la Soledad)