Taon-taon ay nagdadaos ang kasamahan ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. ng OUTREACH project sa mga institusyon na nangangalaga sa mga bahagi ng lipunan na inabandona o nangungulila ng mag-isa. Ito ay bilang bahagi ng gawain ng patuloy ng pakikiramay at pakikidalamhati sa pag-iisa ng Mahal na Birhen ng Soledad. Sa nakaraang dalawang taon, pinili ng pamunuan ng Cofradia ang SAN LORENZO HOME FOR THE ELDERLY sa Pasay City upang tulungan, samahan at aliwin bilang bahagi ng pagmimisyon ng bawat kasapi.
Pebrero 21, 2010 ng tumulak ang ilang kasapi ng samahan sa nasabing lugar upang mamahagi ng mga kagamitang kinakailangan ng mga residente doon. Sila rin ay nagdala ng payak na tanghalian upang pagsaluhan sa kasamahan ng mga nakatatanda. Tunay na naka-aantig at nakapupukaw ng damdamin ang makita ang kanilang mga abang kalagayan. Sa dalawang taon ng pagmimisyon ng Cofradia sa nasabing lugar, nadarama ng mga kasapi ang sakit ng pag-iisa gaya ng sa Mahal na Birhen nung unang Viernes Santo. Sa gawaing ito, naiintindihan natin ang bawat hapis na Kanyang dinanas kung kaya't sa ating panahon ngayon, atin itong dinadamayan sa pamamagitan ng ating pagtulong sa ating kapwa na nasasadlak sa gayon ding kalagayan.
(Si Bro. Nonie Gamboa, PRO ng Cofradia, at ang ibang kasapi,
habang tinitingnan ang mga likhang produkto ng mga residente ng shelter.)
(Ang mga nakatatandang kasapi ng Cofradia
kasalo ang mga residente ng shelter.)
(Isang Kabitenyo na residente ng Shelter ang nag-pray over sa isa sa mga kasapi ng Cofradia. Nakatutuwang isipin na ang lolo na ito ay nakakapag-salita ng Chavacano- ang lokal na dialekto sa Cavite city)
(Ang Ikalawang-Pangulong Panloob, Gng. Norma Peña kasama ang isang resdente ng shelter.)
(Ang mga kasapi at opisyal ng Cofradia bago umalis ng shelter)
(Ang mga kasapi at opisyal ng Cofradia bago umalis ng shelter)
No comments:
Post a Comment