Tuesday, May 4, 2010

COFRADIA LENTEN PILGRIMAGE 2010

Taon-taon ay dumadalaw ang Cofradia kasama ang mga kasapi at taga-suporta nito sa iba't ibang lugar upang magdaos ng tradisyunal na VISITA IGLESIA kaugnay sa pagdiriwang ng panahon ng Kuwaresma. Nagyong taong 2010, pinili ng pamunuan ng samahan ang dako ng La Union upang dalawin at danasin ang buhay-pananampalataya sa parteng Norte ng Pilipinas.


Tumulak papunta La Union at Manaoag ang samahan sa ika-11 ng gabi ng Marso 12.  Sila ay unang tumuloy sa Dambana ng Mahal na Birhen ng Manaoag upang mag-alay ng Misa sa ganap na ika-4 ng umaga.



(Ang Orihinal na Imahen ng Mahal na Birhen ng Manaoag na naka-kulay Purpura
kaalinsunod sa pagdiriwang ng Kuwaresma)



Taglay ang opisyal na Replica ng Mahal na Patrona-- ang Birhen ng Soledad, tumungo ang grupo sa simbahan ng MAHAL NA BIRHEN NG CAUTIVO DEL MAR SA Sto. Tomas, La Union.  Dito ginawa ang pananalangin ng ISTASYON NG KRUS KASAMA SI MARIA at ang malugod na Pagbati sa Patrona ng naturang pamayanan. 


Isang mainit na bendisyon ang iginawag ng Kura Paroko ng dambana at malaon ay nagpaunlak ito sa isang Photo Op kasama ang delegasyon ng paglalakbay.


(Ang Imahen ng Mahal na Birhen ng Cautivo del Mar)


(Kasama ang Kura Paroko ng Simbahan ng Birhen ng Cautivo del Mar)



Dahil sa may idinadaos na misa sa loob ng Basilica, ginawa ng grupo ang Istasyon ng Krus sa Krepta at matapos nito ay tumungo sa loob ng Simbahan upang tahimik na ilahad ang mga pansariling panalangin sa Mahal na Birhen ng Caridad, ang Patrona ng La Union.





(Ang tagapag-tala ng Cofradia, Sis. Mary Anne Macavinta
habang nasa harapan ng Vicaria ng Birhen ng Caridad)



Matapos doon, ay tumungo sila sa Katedral ni San William, ang sentro ng Diyosesis.
Dito, ay muli silang nagbulabulay sa paghihirap ng ating Panginoon, kasama ang Mahal na Ina.


(si Ma-cho na pinaniniwalaan din bilang ang Mahal na Birhen ng Caysasay)


(Ang ilang bahagi ng grupo sa harap ng Ma-Cho temple)

Matapos nito, tumungo ang grupo sa Templo ni Ma-cho kung saan pinaniniwalaan din ito bilang ang Mahal na Birhen ng Caysasay na siyang pinamimintuhuan naman sa Lalawigan ng Batangas.


PAROKYA NI STA. CATALINA DE ALEXANDRIA

DAMBANA ng BIRHEN ng NAMACPACAN
Luna, La Union



Ang Larawan ng Mahal na Birhen ng Soledad sa piling ng Mahal na Birhen ng Namacpacan.
Matapos ang Pananalangin ng Istasyon ng Krus, nagpugay ang mga Kabitenyo sa Birhen ng Namacpacan at matapos nito ay nagdaos ng isang Makasaysayang Photo Op bilang ala-ala ng gawaing ito.




Ang isang bahagi ng grupo sa harap ng
PAROKYA NI SAN CRISTOBAL
Bangar, La Union


Ang huling simbahan na dinalaw ng mga Kabitenyo.
Dito, matapos awitin ang ilang bahagi ng Mahal na Pasion,
nagpugay ang grupo kay San Cristobal, at hiniling ang pamamatnubay para sa isang

No comments: