Taon-taon, tuwing Unang Sabado ng kuwaresma, ginaganap ang PABASA PARA LA REINA, para sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Soledad ng Porta Vaga. Ito ay iniiikot sa iba't ibang tahanan ng mga kasapi ng samahan kung saan ginaganap ang tradisyunal na PABASA ng Pasiong Mahal. Ngayong taon, 2010, ang nakatakdang Hermana ng Pabasa ay ang dating Ingat-Yaman ng samahan na si Gng. Grace Garcia-Viray. Sinimulan ang Pabasa noong Pebrero 19, sa pamamagitan ng tradisyunal na Rosario EspaƱol at nagtapos ito kinabukasan, Pebrero 20, sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinangunahan ng ating mahal na Patnugot, na si Reb. Pd. Virgilio Saenz Mendoza. Kasama sa mga nakiisa sa nasabing pagdiriwang ay ang iba't ibang parokyano ng San Roque at ang Parochial Vicar na si Reb. Pd. Armand Timajo.
Ang pagbabasa ng Pasiong Mahal sa piling ng Reina ng Kabite, ay ang ating pagsang-ayon na tunay ngang ang Birhen ng Soledad ay isang DOLOROSA, at sa pamamagitan ng banal na gawaing ito, ating siyang sinasamahan sa kanyang pagdadalamhati. Tayo ay nakikiramay sa Kanyang mga hapis habang kasama niya, ay pinagbubulay-bulayan ang Dakilang Misterio Pascual na handog sa para sa ating lahat ng Kanyang nag-iisang Anak na si Hesus.
Sa susunod na taon, 2011, gaganapin ang Pabasa sa tahanan ni Gng Lorna Caymol, San Antonio, Cavite city. Hinihikayat ang lahat ng mga deboto ng Soledad at mga kasapi ng Cofradia na patuloy na tangkilikin ang nasabing gawain para sa higit na ikalalakas at ikatatatag ng debosyon sa tunay at nag-iisang Reina ng Kabite---ang ating Luz de Filipinas.
(Ang mga kasapi ng Cofradia habang naghihintay sa pagsisimula ng Banal na Misa)
No comments:
Post a Comment