LA CELESTIAL GUARDIANA Y PROTECTORA DE LA PROVINCIA DE CAVITE Y SU PUERTO This Blogsite is administered by the COFRADIA DE LA VIRGEN DE LA SOLEDAD DE PORTA VAGA, INC. for the Queen, Mother and Patroness of the Province of Cavite.
Tuesday, May 4, 2010
AUXILIARY MEMBERSHIP in the COFRADIA
The Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga is now accepting applications for AUXILIARY MEMBERSHIP in the COFRADIA. Please fill out the forms in Legal Bond Paper and mail to 506 Palridel St., San Que, Cavite city.
ARTICLE VI
MEMBERSHIP
SECTION 6 – AUXILIARY Membership. Auxiliary Members shall be installed with the following requisites:
A. A one-time Joining Fee shall be collected from all applicants to defray production costs of the Cofradia Scapular and other current accumulated expenses of the organization. Amount of which shall be proposed and presented by the membership committee and duly approved by the general membership and Corazon at a general assembly for such purpose.
B. Auxiliary Members shall be required to likewise contribute to the Mary’s fund of the Cofradia with amount equal to the current fee collected from the general membership.
C. Applicants should pass the membership requirements as specified in Section 9 of Article 6 of this Constitution and By-laws.
D. Applicants for the Auxiliary Membership shall undergo the following selection process:
1.The following documents should be submitted prior to the application:
i.Personal Data Sheet
ii.Letter of Intent / Pledge of Commitment to the Organization
iii.Tagalog Essay/Testimony of his/her personal devotion to the Soledad.
2.At a regular or special General Membership Meeting, his application shall be deliberated and duly approved by the officers and members present.
3.Installation and Swearing-in to the Cofradia Constitution shall be scheduled at a given date and time by the General Membership.
4.Auxiliary members should attend a scheduled seminar-orientation before being installed to the auxiliary membership and imposed with the Cofradia scapular.
E.AUXILIARY MEMBERS’ RIGHTS AND PRIVILEGES. The members shall have the following rights and privileges:
1.To attend and observe in the general membership meetings of the Cofradia and may express his/her opinions and comments as the need arises;
2.To be informed of any project or activity of the organization, and participate in such undertakings;
3.To bear the Cofradia’s scapular in all church gatherings especially during processions and other religious functions and represent the organization, if duly directed;
4.To enjoy any Apostolic and Episcopal Blessings and Indulgences granted by the Roman Catholic Church.
5.In fulfilling the Pledge each member makes,
a.You know you are fulfilling Our Lady’s conditions to obtain the conversion and the peace of Christ for the world.
b.You become Our Lady’s child-servant, obediently fulfilling her requests and are totally consecrated to her in this lifetime and in the next.
c.You obtain numerous indulgences through the Rosary and the Scapular. You become eligible for the spiritual graces of Our Lady that She has promised to all devotees of Her rosary, tears and sorrows. Graces in this life, at the hour of death, and after death.
d.You share in the prayers of members.
e.You participate in the New Evangelization proposed by the Holy Father.
6.Can be accepted as a regular official member provided that he/she has passed the requirements set forth in Article VI, Section 10.
F.AUXILIARY MEMBERS’ DUTIES AND RESPONSIBILITIES.
The members shall have the following duties and obligations:
1.To make a Pledge, mainly to:
a.Offer up everyday the sacrifices demanded by daily duty.
b.Pray at least five decades of the Rosary daily while meditating on the Mysteries.
c.Wear the Cofradia Scapular on specified occasions of the Organization and the Scapular of Our Lady everyday as profession of this promise and as an act of consecration to the Blessed Mother.
d.Accomplish the devotion of the Five First Saturdays of the month, by Praying at least five decades of the Rosary, confessing and receiving Holy Communion including the fifteen-minute meditation on the Mysteries of the Rosary, and on the seven sorrows of the Blessed Virgin Mary and renew these promises often, especially in moments of temptation.
e.Accomplish the devotion to the Most sorrowful Virgin by praying constantly the Rosary of Our Lady of Sorrows and meditating on Her Seven Sorrows as often as possible and offer such for the intentions of the members and the whole organization as well.
2.To attend the monthly First Saturday Novena to Our Lady of Solitude, Cofradia General Membership Mass and faithfully propagate said activities.
3.To abide by the provisions of the Cofradia’s constitution, by-laws, rules and regulations that may be promulgated by its officers and/or spiritual director;
4.To faithfully wear the organization’s Uniform and Scapular at all prescribed organizational events as a sign of his allegiance to the organization’s cause;
5.To contribute a one-time joining fee, an annual/monthly membership fee, offer voluntary contributions and/or pledges, or any amount for the fulfillment of the organization’s objectives;
6.To periodically check the Cofradia’s Internet Account and whatever other means of communication that the Cofradia shall use, and to timely reply and keep an open communication with the Cofradia administration for updates;
7.To be actively involved in the propagation of the devotion to our Blessed Mother of Solitude by actively attending and participating in all official activities and functions of the organization (e.g. attend the funeral of a deceased member of the Cofradia, etc.);
8.To comply with all requirements set by the officers and/or spiritual director; and to comply with the objectives of the Cofradia and with all that is prescribed in the statutes as well as decisions of the general meeting;
9.Members in spreading the devotion to the Soledad, shall be united with the Holy Father, and the bishops in union with him. When acting in the name of the Cofradia, they must keep within the terms and the authorized practices of the Organization.
10.To lead an upright Christian life and strive to be an exemplar in his/her community by attending an annual Spiritual Exercise or Retreat sponsored by the Cofradia.
11.Assist in the ministry of the Cofradia by knowing how to console, comfort and sympathize with people who are in a state of sorrow, bereavement and solitude so that the members may fully comprehend not only the pain and the sorrow that Our Lady experienced when she lost Her Son, our Lord Jesus Christ, but also Her Fiat, her submission to the will of God.
12.To honor the following dates even in a private and personal manner (if incapacitated or unable to participate due to emergency reasons in the scheduled activities of the Cofradia for said date):
APRIL 12 - Enthronement of the Virgen de la Soledad de Porta Vaga at Her Ermita in Cavite city
AUGUST 19 - Recovery of the Original Image of our Lady.
SEPTEMBER 15 – Feast of the seven sorrows of Our Lady.
NOVEMBER 17 - Anniversary of the Canonical Coronation of Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga as Queen and Patroness of the Province of Cavite and the Anniversary of the Foundation of the Cofradia.
PANGKAT VI
ANG PAG-ANIB/ PAKIKISAPI
BAHAGI 6 – KATULONG na Kaanib. Ang mga Auxiliador ay dapat makapagbigay ng mag sumusunod na pangangailangan:
A. Ang bayarin sa isahang pag-anib ay ngingilakin sa mga kalahok upang maibalikat ang mga gastusin sa pagpapagawa ng Eskapularyo ng Cofradia at sa mga gastusin ng samahan. Ang halaga ay ihahanda at ilalahad ng komite sa pag-anib na sinang-ayunan ng sang-kasamahan at ng pamunuan sa isang pagpupulong para sa gayong mga layunin.
B. Ang mga Auxiliador ay kinakailangang magbigay sa pondo ni Maria ng cofradia sa halagang bianbayaran sa kasalukuyan ng sang-kasamahan.
C. Ang mga may kahilingan ay dapat maka-pasa sa mga pangangaliangan na inilalahad ng Bahagi 9 ng Pangkat VI ng Saligang Batas at panuntunang ito.
D. Ang nagnanais na maging Auxiliador ay dadaan sa mga sumusunod na panuntunan:
1.Ang mga sumusunod na dokumento ay dapat na maipasa sa pagbibigay layon sa pag-anib:
i.Pilyego ng sariling saligan
ii.Liham ng sadyain/ pangako sa kapisanan
iii.Sanaysay na Filipino/ patotoo g kanyang sariling pamimintuho sa Soledad.
2.Sa isang pangkaraniwan o natatanging sangkapisanang pagpupulong, ang kanyang kahilingan ay dapat pag-usapan at marapat na tanggapin ng mga opisyal at kasaping dumalo.
3.Ang Pagtatalaga at panunumpa sa Saligang Batas ng Cofradia ay dapat itakda sa isang petsa at oras ng sangkapisanan.
4.Ang mga katulong na kaanib at dapat dumalo sa isang seminar ng pagbibihasa bago ang itinakdang pagtatalaga sa Katulong na Pag-anib at sabitan ng Eskapularyo ng Cofradia.
E. MGA KARAPATAN AT TANGING-KARAPATAN NG MGA KATULONG NA KAANIB. Ang mga auxiliador ay pagkakalooban ng mga sumusunod na karapatan:
1.Ang makadalo at makapagsuri sa pangkalahatang pagpupulong ng mga kasapi ng Cofradia at maaring magpahayag ng saloobin sa mga panahong kinkailangan.
2.Ang mabigyang-kaalaman sa mga proyekto o gawain ng samahn at makalahok sa mag gawain.
3.Ang makapagsuot ng eskapularyo ng cofradia sa lahat ng pansimbahang mga pagdiriwang lalu na sa mga prusisyon at ibang gawaing may kinalaman sa simbahan upang katawanin ang samahan kung kinakailangan.
4.Ang maasam ang mga pagbabasbas, pagpapala ng Obispo at mga indulhensiyang ipinagkaloobb ng Simbahang Romano Katoliko.
5.Upang mapanindigan ang mga panagko, ang bawat kasapi ay:
a.Pinaaalamanan na siya ay kabahagi ng mga kahilingan ng Mahal na Birhan sa pagbago at pagkaloob kapayapaan sa mundo.
b.Siya ay nagiging anak ng Mahal na Birhen sapagkat siya ay masunuring tumtalima sa kanyang kahilingan at itinatalaga ka sa kanya sa buhay na ito at sa kabilang buhay.
c.Siya ay kinakalooban ng mga indulhensya sa pagrorosaryo at pagsuot ng eskapularyo. Siya ay karapat dapat sa mga pangako ng Birhen sa mga deboto ng Rosaryo ng kalungkutan at hapis, ng Pagpapala sa buhay na ito, sa kanyang kamatayan at kung siya’y namatay na.
d.Nagakakaroon ng panalangin mula sa ibang kasamahan.
e.Siya ay bahagi ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita na inilahad ng Santo Papa
6. Maaaring tanggapin bilang isang pangkaraniwang opisyal na kasapi sa kundisyon na siya ay nakapasa sa mga tagubilin na nakasaad sa Pangkat VI, Bahagi 10.
MGA TAKDA AT TUNGKULIN NG MGA KATULONG NA KAANIB.
Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng katulong na kaanib:
1.Magbigay kapangakuan ng:
a.Magbigay ng sakripisyo ayon sa pangaraw-araw na takda.
b.Pagdarasal ng limang dekada ng rosaryo at pagnilayan ang mga misteryo nito.
c.Mag suot ng eskapularyo ng Cofradia sa mga pagdiriwang at gawain at magsuot naman ng eskapularyo ng Mahal na Birhen sa araw-araw upang maipahayag ang pangako sa kanya at upang maitalaga ang sarili sa Mahal na Ina.
d.Pagsasagawa ng debosyon sa limang Unang Sabado ng buwan, sa pagdarasal ng limang dekada ng Rosaryo, Pangungumpisal at Pakikinabang na kaisa ang pagninilay sa Pitong hapis ng Mahal na Birheng Maria sa loob ng labing-limang sandali at sa malimit pagsasabago ng sarili sa mga pangakong ito lalu na sa panahon ng tukso.
e.Pagsasagawa ng debosyon sa Mahal na Birheng Nahahapis sapamamagitan ng malimit na pagdarasal ng Rosaryo ng Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga at pagbubulay-bulay sa kanyang pitong hapis sa lalung malimit na panahon at ihandog ito sa mga adhikain ng ibang mga kasama at sa kabuoang samahan.
2. Lumahok sa Nobena sa unang Sabado sa Nuestra Senora de la Soledad, sa mga pangkalahatang Misa ng mga kasapi at buong pananampalatayang ipalaganap sa iba ang mga gawaing ito.
3. Pagsunod sa mga ibinigay ng Cofradia na Saligang batas at mga tuntunin na ibinigay ng mga namumuno/ tagapayong espiritwal.
4. Pagsuot ng buong pananampalataya ng uniporme at eskapularyo ng Cofradia sa mga tinakdang mga pagdiriwang bilang pakikiisa sa layunin ng samahan.
5.Magbigay para sa bayarin sa isahang-pag-anib, taunan/buwanang pag-anib, magbigay ng kusang-loob na malasakit o anu mang halaga upang matustusan ang mga hangarin ng kapisanan.
6.Magsiyasat sa Internet Account ng Cofradia at sa kung anung paraan ng komunkasyon na ginagamit ng Cofradia, at daliang pagtugon at bukas na pakikipagtalastasan sa pamunuan ng Cofradia para sa mga bagong balita.
7.Maging masigla sa pagpapalawig ng pamimintuho sa Mahal na Ina ng Soledad sapamamagitan ng masugid na paglahok at pagsama sa mga opisyal na gawain at pagdiriwang ng kapisanan. (hal. Pagdalaw sa burol ng isang namatayang kasapi ng Cofradia, atbp)
8.Makapagbigay sa mga pangangailangang itinakda ng mga namumuno at/o ng tagapayang espiritwal at sumunod sa mga lauynin ng Cofradia at sa lahat ng inilahad na mga batas at sa mga napagpasyahan sa kapulungang pangkalahatan.
9.Ang mga kaanib na nagpapalaganap ng ng debosyon sa Soledad ay dapat maging kaisa ang Santo Papa, mga Obispo kaisa din niya. Kung kumikilos naman sa ngalan ng Cofradia, dapat niyang panatilihin ang sarili sa mga kagawian at mga pinahintulutang mga gawain ng Cofradia.
10.Mamuhay sa mabuting buhay Kristyanong pamamaraan at magsumikap na maging huwaran sa kaniyang lipunan sapamamagitan ng paglajok sa mga gawaing pang-espiritwal o sa mga retiro (retreat) na tinatangkilik ng Cofradia.
11.Tumulong sa ministeryo ng Cofradia sa pag-alam kung paanong maka-aaliw, makapagbibigay-ginhawa at makidalamhati sa mga taong nasa kalungkutan, pagluluksa at kapanglawan upang ang mga kasapi ay buong mapaggunam na hindi ang hirap at hapis na namalas ng Ating Birhen ng mawalay sa kanya ang kanyang Anak na ating Panginoong Hesukristo bagkus ang kanyang pagatalima, pagpapasakop sa kalooban ng Diyos.
12.Ipagparangal ang mga sumusunod na petsa kahit sa pangpribado at pansariling pamamaraan( kung kapinsalaan o walang kakayahang makalahok dahil sa mga di inaasahang mga pangyayari sa mga inilaang mga gawain ng Cofradia sa nasabing mga petsa.)
ABRIL 12 – Pagluluklok ng Birhen ng Soledad de porta Vaga sa kanyang Ermita sa Lungsod ng Cavite.
AGOSTO 19 – Pagbalik ng Orihinal na Imahen ng Birhen.
SETYEMBRE 15 – Kapistahan ng Pitong hapis ng Mahla na Birhen.
NOBYEMBRE 17 – Kaarawan ng Canonical Coronation ng Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga bilang Reyna at Patrona ng Lalawigan ng Cavite at Kaarawan ng pagakakatatag ng Cofradia.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment