Tuesday, May 4, 2010

PAGBABAHAGI NG COFRADIA


Bilang bahagi ng pakikiisa ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. sa pamayanan ng Parokya ng San Roque, Dambana ng Mahal na Birhen ng Soledad de Porta Vaga, naghandog ang mga opisyal at kasapi ng samahan ng mga school supplies bilang tulong at supporta sa adhikain ng kasalukuyang Kura Paroko nito na si Reb. Pd. Cesar R. Reyes, Jr.  Ang mga naturang school supplies ay ibabahagi sa mga kapos-palad na bahagi ng pamayanan sa pagdiriwang ng tradisyunal na Flores de Maria at bilang paghahanda na rin sa darating na pasukan ng mga bata.

Ibinahagi ni Padre Cesar sa nagdaang Unang Sabadong MISA DE LA REINA, na higit sa mga mababango at magagandang bulaklak, ay mas kaiga-igaya sa Mahal na Birhen ang ating gagawing pagtulong at pagkupkop sa mga Kapos-palad nating mga kapatid at kapwa deboto.  Ayon sa kanya, ito ay maituturing nating mas nakatutuwang alay sa ating Mahal na Ina at Reina.

Ang pag-aalay ng mga naturang school supplies ay ginawa sa bahagi ng pag-aalay sa buwanang Unang-Sabadong Misa , Mayo 2010.  Nagpasalamat si Padre Cesar sa naturang gawain ng samahan at sa patuloy nitong pakikibahagi at suporta sa parokya.


(Sis. Evelyn Enriquez, Ina ng ating Pangulo na si Ryan Enriquez,
habang inihahandog ang mga school supplies kay Pd. Cesar.)


(Ilang kasapi ng samahan
habang inihahandog ang mga school supplies kay Pd. Cesar.)



(Ilang kasapi ng samahan

habang inihahandog ang mga school supplies kay Pd. Cesar.)



(Sis. Norma Peña, ang Ikalawang-Pangulong Panloob,
habang inihahandog ang mga school supplies kay Pd. Cesar.)



(Ilang kasapi ng samahan

habang inihahandog ang mga school supplies kay Pd. Cesar.)

No comments: