Saturday, April 21, 2012

DIOCESAN GRAND FLUVIAL PROCESSION








Ang buong Diyosesis ng Imus ay buong giliw na sinasalubong at tinatanggap ng Lungsod ng Kabite sa Abril 30, 2012 sa gaganaping Diocesan Grand Fluvial Procession. Ang lahat ng mga patron ng mga bayan sa baybayin (coastal towns) ng Lalawigan ng Kabite ay magtitipon sa dako ng orihinal na dambana ng Mahal na Birhen ng Soledad upang muling ipagdiwang ang Ginintuang Hubileyo ng Diyosesis. Ang paksa ay: "Karakol sa Karagatan sa Pang-Diyosesis na Ginintuang Hubileyong parangal kina Maria, Ina ng Kalikasan, at Hesus, Panginoon ng Sambayanan." Ito ay kaalinsabay din ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Canonical Erection ng Diyosesis sa Abril 26. 

Ang lahat ay inaanyayahan na makiisa at makibahagi.