Sunday, November 15, 2009

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD: Ikalimang Araw

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967


Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.

Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya.  Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay.  Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit.  Siya nawa.

IKALIMANG ARAW
Tigib ng hapis na Ina ng lalong nagdurusang Anak, muli mong nadama ang kalungkutan at sama ng loob nang ikaw ay muling pumasok sa lungsod ng Herusalem, ang sambayanang nagtakwil at nagpahirap sa Iyong Anak, ang Dakilang Mananakop.  Sa katahimikan ng Iyong damdamin, ay muli mong nabigkas ang saloobing ng Iyong Anak: “Kahabag-habag na Herusalem, bakit mo sinayang ang iyong kapalaran? Anong kasalanan ang ginawa sa iyo ng Aking Anak at siya’y iyong pinahirapan at pinatay?”  Mahal na Ina, tulungan mo akong makamtan ang nararapat na kaliwanagan ng pag-iisip upang makilala ko ang aking mga kasalanan gayon din naman ang kaparusahang nararapat sa akin upang ang mga ito ay mapagsisihan ko ng buong katapatan. At kung sa kaluwalhatian ng Diyos, at kagalingan ng aking kaluluwa, ang mga kahilingan ko sa pamamagitan ng nobenang ito ay karapat-dapat, nawa ang lahat ng ito ay aking makamtan.  Siya Nawa.

Ilahad ang mga biyayang hinihiling at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang MEMORARE  atPAKIKIRAMAY- Panalangin Sa Araw-araw.

100_2655

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.  Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.  Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan.  Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad.  Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo.  Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingcod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay.  Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan.  Siya nawa.

AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

REYNA NG KABITE
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.

Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat

Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!

Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y  tanglaw namin!

REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)

Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD: Ikaapat na Araw

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967


Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.

Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya.  Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay.  Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit.  Siya nawa.

IKAAPAT NA ARAW
Lipos ng Pighating Ina ng lalong nahirapang Anak, sino kaya ang makakaunawa ng kahirapang Iyong tiniis ng lumakad ka sa lansangang dinaanan ng Iyong pinahirapang Anak.  Pagpapahirap, mga katampalasanan, pagpapako sa Krus, ang mga gunita nito ang nagdulot sa Iyo ng matinding hapis.  Nawa’y tumimo sa aking isipan ang mga pagpapakasakit at mga kahirapang ito ni Kristo upang sa mga sandali ng aking panghihina at panlalamig, ang mga ala-alang ito ang magsilbing gabay tungo sa wastong pag-ibig sa Iyo at sa aking mga Kapatid.  At kung magiging marapat sa Kanyang kaluwalhatian, at sa kagalingan ng aking kaluluwa, ay ipagkaloob nawa sa akin ang biyayang hinihingi ko sa pagnonobena. Siya Nawa.

Ilahad ang mga biyayang hinihiling at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang MEMORARE  atPAKIKIRAMAY- Panalangin Sa Araw-araw.

IMG_0119

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.  Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.  Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan.  Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad.  Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo.  Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingcod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay.  Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan.  Siya nawa.

AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

REYNA NG KABITE
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.

Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat

Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!

Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y  tanglaw namin!

REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)

Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD: Ikatlong Araw

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967


Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.

Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya.  Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay.  Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit.  Siya nawa.

IKATLONG ARAW
Lubhang namamanglaw na Ina ng lalong nagpakasakit na Anak, nadarama ko ang kapighatiang Iyong naranasan nang ikaw ay manaog sa bundok ng Kalbaryo, na kung saan sinundan mo ang Iyong nagpapakasakit na Anak.  Nais kong tangisan ang mga kasamaang dulot ng pakikitungo ko at pakiki-isa sa mga masasamang barkada --- mga kasamaang nagwalay sa akin sa pagpapala ng Iyong Ama.  Tulungan mo akong makamtan ang kaliwanagan ng pag-iisip upang maunawaan ko ang aking mga kamalian at makatahak sa tamang landas ng buhay. At kung magiging marapat sa kapurihan Niya, at sa kagalingan ng aking kaluluwa, ay ipagkaloob nawa sa akin ang biyayang ninanasa ko dito sa pagnonobena. Siya Nawa.

Ilahad ang mga biyayang hinihiling at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang MEMORARE  atPAKIKIRAMAY- Panalangin Sa Araw-araw.

100_7396


MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.  Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.  Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan.  Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad.  Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo.  Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingcod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay.  Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan.  Siya nawa.

AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

REYNA NG KABITE
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.

Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat

Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!

Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y  tanglaw namin!

REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)

Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD: Ikalawang Araw

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967


Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.

Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya.  Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay.  Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit.  Siya nawa.

IKALAWANG ARAW
Nahahapis na Ina, nababatid ko ang hirap na iyong nadama nang sa Iyong paguwi sa Iyong tahanan ay naraanan mo ang kinatirikan ng Krus na kung saan ang iyong Anak na si Hesus ay nabitin at namatay. Ang Krus na yaon ang kinatampukan ng Kaniyang walang-hanggang pagliligtas.  Ang kahoy ng buhay na buong puso mong pinarangalan, sapagka’t sa pamamagitan noon, matatamo ang buhay at kaligayahang walang hanggan.  Nababatid ko na ang aking pagwawalang bahala ay nakararagdag sa kabigatan ng Krus at kahirapang iyong nadarama.  Nagsusumamo ako ngayon, Mahal na Ina, na tulungan mo ako sa paghingi sa Iyong Anak ng sapat na tapang, upang maipagpatuloy ko ang aking mga tungkulin at maiwasan ko ang mga kasamaan.  Ipagkaloob rin nawa sa akin ang aking mga kahilingan sa pamamagitan ng Nobenang ito kung ito’y karapat-dapat sa Iyong kaluwalhatian.  Siya Nawa.

Ilahad ang mga biyayang hinihiling at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang MEMORARE  atPAKIKIRAMAY- Panalangin Sa Araw-araw.

100_7488 

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan.  Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati.  Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan.  Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad.  Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo.  Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingcod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay.  Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan.  Siya nawa.

AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

REYNA NG KABITE
Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Ngalan mo’y siyang pugad.

Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat

Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!

Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y  tanglaw namin!

REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)

Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD:Unang Araw

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
REIMPRIMATUR: Artemio G. Casas
Episcopus Imusensis
Hulyo 15, 1967


Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.

PAGSISISI
Namimighating Ina, nababatid ko ang walang katulad na kalungkutan at smaa ng loob na dulot ng tatlong araw na pagkalayo sa iyo ng iyong Anak na si Hesus, nang Siya ay mamatay at ilibing upang ako ay mahango at magsisi sa aking mga kasalanan.

Pinagsisisihan ko ang lahat at alin mang kasalanang nagawa ko at nanaisin ko pa ang mamatay muna bago muli akong magkasala sa kanya. Mula ngayon, Mahal Na Ina, ako ay nangangakong magsusumikap na makapagbagong-buhay at tuloy maiwasan ang mga kasalanan sa tulong ng iyong Anak na dahil sa akin ay hindi natakot na magpakasakit at mamatay. Hinihiling ko rin, Mahal na Ina, na nawa’y matanggap ko ang mga biyayang ito alang-alang sa iyong mga dinanas na pagpapakasakit. Siya nawa.

UNANG ARAW
Namimighating Ina ng nagpakasakit na Anak, nababatid ko ang hirap na iyong nadama, nang ilagak sa libingan at takpan ng mga taong nagmalasakit ang sugatan at walang buhay na katawan ng Iyong Anak. Alang-alang sa iyong mga pagpapakasakit ay pagkalooban mo ako, Mahal na Ina, ng mga biyayang kakailanganin sa tunay na pagsisisi. Loobin mong ang makasalanang kong sarili ay malibing kasama ng Iyong Anak at muling mabuhay alang-alang sa Kanyang kaluwalhatian na ngayon ay hinihiling ko sa pamamagitan ng nobenang ito. Siya nawa.



100_2551

Ilahad ang mga biyayang hinihiling at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang MEMORARE atPAKIKIRAMAY- Panalangin Sa Araw-araw.

MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati. Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.

PAKIKIRAMAY SA BIRHEN SA KATAHIMIKAN NG KANYANG PAG-IISA
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Namimighating Ina, pahintulutan mo akong manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman kong ako’y hindi karapat-dapat sapagka’t ako ang dahilan ng iyong mga kalungkutan. Minamahal na Ina ng mga makasalanan, dinggin mo ako sa aking pagsisisi at paghingi ng tawad. Patuloy mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin at alalahanin mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo. Nawa’y mapabilang ako sa iyong mga tapat na lingcod na nakikiisa sa iyong kalungkutan upang mabago ang masama kong buhay. Tulungan mo ako sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan mong Anak magpasawalang hanggan. Siya nawa.

AWITIN ang REINA DE CAVITE – Salve.
Sa ngalan ng + Ama, ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya nawa.


Reyna ng Kabite
Laging tawag ng lahat
Kapayapaan at galak
Sa iyo’y nagbubuhat

Inang kalinis-linisan
Mahal ng Serafin
Ilaw ka ng Pilipinas
Tunay kang tanglaw namin!

Ilaw ka ng Pilipinas
Ika’y tanglaw namin!

REINA DE CAVITE
Reina de Cavite
Por Siempre Seras;
Es prenda tu nombre
De Jubilo y Paz. (2x)

Madre Immaculada,
Prez del Serafin;
Luz de Filipinas,
Protegenos sin fin. (2x)

Friday, October 9, 2009

SAN ROQUE---OTRO TEMPLO, SEÑORA, OTRO ALTAR: Ang Bagong Dambana ng La Virgen de la Soledad de Porta Vaga



Mahigit sampung taon na ang nakaklipas nang ipagiba ang orihinal na Simbahan ng San Roque upang patayuan ng bago at mas malaking dambana para sa La Virgen de la Soledad de Porta Vaga.  Ngayon, sa pamumuno ng bagong Kura Paroko na si Reb. Pd. Cesar R. Reyes, unit unit nang nabubuo ang pangarap ng mga Kabitenyo at deboto ng Virgen de la Soledad na makita nang buo at nag niningning ang isang maganda at kaiga-igayang simbahan para sa nag-iisang REINA, INA at PATRONA ng lalawigan ng Kabite. 

 

 

Sa mga nais tumulong upang maging ganap ang dakilang pangarap na ito, makipag ugnayan sa Parokya ni San Roque, San Roque, Cavite city sa pamamagitan ni Reb. Pd. Cesar R. Reyes, Jr.

Tuesday, October 6, 2009

SOLEDAD, Patrona ng Lalawigan, Pintakasi ng Kabitenyong Kaparian



Noong 1975, idinambana ang la Virgen de la Soledad bilang Patrona ng Kapilya ng Tahanan ng Mabuting Pastol, ang pangdiyosesanong seminaryo ng Kabite na nasa Lalawigan ng Tagaytay.  Ang larawan ay isang antigong estampa na pagmamay-ari ng mga Heswita at noo'y nakadambana sa kanilang paaralan sa Lungsod ng Kabite.  Ito ay ibinigay nila bilang regalo sa noo'y Obispo ng Diyosesis na si Obispo Felix Perez.

Simula noo'y lalong tumindi ang marubdob na pagmamahala ng mga Pari't Seminarista sa Mahal na Birhen ng Soledad bilang kanilang Ina, Reina at Patrona sa lalawigang kanilang tunay na sinisinta.

 

Noong Setyembre 1-15, 2009, bilang pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen, Ina ng Hapis, ngayong dakilang taon ng mga PARI,  nagsagawa ng isang Soledad Exhibit ang mga Seminarista, kung saan ipinakita at itinampok ang iba't ibang larawan o representasyon ng Mahal na Birhen ng Soledad sa iba't ibang panig ng bansa at mundo.  Ang koleksiyong ito ay mula sa mga kasapi  ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. Kabilang sa mga ito ay ang La Virgen de la Soledad de la Paloma ng Madrid, Espanya, ng San Isidro, Nueva Ecija,  ng, Camaba, Maynila, ng Oaxaca, Mexico, at ng Granada, Espanya.

Sa pamamagitan ng pagtatanghal na ito, ipinapakita sa atin na ang pagdedebosyon sa Birhen ng Soledad ay tunay na tanyag at laganap sa buong daigdig, dahil sa dakila at mabisang pamamagitan ng Ina ng Diyos sa katawagan niyang ito.

 

 

(Ang mga Opisyal ng Cofradia de la Virgen de la Soledad kasama ang
Obispo ng Imus, Lubhang Kagalang-galang Luis Antonio Tagle)

Monday, October 5, 2009

SOLEDAD DE MANILA




Venerated in a little chapel a few meters away from CM Recto Ave. in Manila, is another version of the Virgen de la Soledad.  Though not much is known of the icon, many believe that it is one of the many representations of the famous and miraculous Virgin of Porta Vaga in Cavite and that this replica may have been honored in this community since 1884.  According to accounts and stories of old people, the Camba area has been inhabited by mostly residents from Cavite city that’s why it has been called in the older days as Barrio Soledad.

Miracles have also been attributed to this mysterious icon.  It is said that the entire neighborhood where it resides has always been protected from the fires which guttered the Binondo district many times.  The Camba area has always been spared from other kinds of calamities and even the ravages of wars.

Her feastday is celebrated annually every 1st of January through a translacion going to the Mother Parish of Sto. Niño de Tondo capped by a festive caracol procession going back to its home in Camba St., Manila.

====================================================================




Mapalad ang Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. upang maanyayahang maging mahalagang bahagi ng pagtatatag sa Parokya ng Virgen ng Soledad sa Maynila. Sa loob ng mahigit sampung (10) taon mula ng maitatag ang samahan, ay patuloy na nakikibahagi ang bawat kasapi sa isang debosyong sumibol mula sa nagiisang Reyna ng Kabite.  

Saturday, October 3, 2009

MISA DE LA REINA: Unang Sabadong Debosyon sa Mahal na Birhen ng Soledad de Porta Vaga




Tuwing UNANG SABADO ng Bawat Buwan, ginaganap ang isang NOBENA at MISA MAYOR sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Soledad de Porta Vaga.  Ito ay sinusuportahan ng iba't ibang samahan sa Cavite, lalo't higit ang Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc.   Tuwing Unang Sabado, sa ganap na ika-11 ng umaga, inilalabas at itinatampok sa kanyang dambana ang mahigit 300 daang taong ORIHINAL na larawan ng Soledad upang mahalikan at mahawakan ng mga debotong tunay na nagmamahal sa kanya...  Ito din ay oras na sinasamantala ng samahan upang magpulong buwan buwan at pagusapan ang iba't ibang gawain para sa higit na ikalalakas at ikalalaganap ng debosyon sa nag-iisang REINA, INA, at PATRONA ng Lalawigan ng Kabite.   Hinihikayat ang lahat ng mga deboto na dumalo sa nasabing pagtitipon at tamasahin ang napaka raming biyaya sa piling ng mapaghimalang larawan ng Mahal na Birhen ng Soledad.


 


Tuesday, September 29, 2009

DALAW SOLEDAD 2009



Nagsimula ang kamalayan sa pagdaraos ng DALAW SOLEDAD nang aming sariwain ang mga nagdaang gawain ng Cofradia noong panahon ng dating Pangulo, Antonio Nazareno.  Dito nabuo ang mga plano at suhestiyon kung paano bubuhayin ang tradisyon ito upang makatulong sa pagpapalakas sa debosyon sa nagiisang Ina, Reina at Patrona ng lalawigan ng Kabite.  Nag-simulang mag anunsiyo sa mga kasapi at mga taga suporta ng Cofradia at di nag-laon ay humikayat ng mga imbitasyon mula sa internet sa pangunguna ng website ng grupo sa FLICKR.  Ang unang malaking opisyal na DALAW ay ginanap noong Mayo 2009 sa bayan ng Amadeo, Kabite, kung saan nakatutuwang tingnan kung paano sinalubong at pinarangalan ang BIRHEN NG SOLEDAD. Sumunod dito ang pagpaplano ng Ikalawang Yugto kung saan mas malaki at mas malawak ang naiplano sa tulong ng mga deboto na gaya ni Bro. Niño Figuerroa.  Agosto 15, 2009 ang petsa ng ika-25 taong anibersaryo ng pagkakabalik sa orihinal na Larawan ng Soledad, sinimulan ang paglalakbay ng Reina de Cavite sa kalakhang Maynila upang mas palakasin ang debosyon sa Soledad.



Napaka daming mga kuwento ng mga himala ang aming narinig mula sa iba't ibang deboto sa mga nadalaw nang komunidad.  Tunay ngang nakatataba ng puso na marinig at maranasan ang mga ito.  Nakatutuwang isipin na hindi tayo/ kami iniiwan ng BIRHEN. At sa bawat himalang Kanyang pinapakita ay ang katagang "HINDI KAYO NAG-IISA, KASAMA NIYO AKO."  Nawa sa mga nalalabing mga Parokya na aming dadalawin, dalangin namin na masumpungan din nila ang napaka bisa at tunay na dakilang maka-Inang pamamagitan ng Soledad na ginawa at ginagawa Niya para sa lalawigan ng Kabite noon, ngayon at sa habang panahon.