Saturday, August 21, 2010

Ang PELIKULA ni JULIE VEGA: ANG MILAGRO SA PORTA VAGA


Isa sa mga hindi malilimutang tagpo sa buhay-pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Soledad ay ang pagkakagawa ng isang pelikula ukol dito.  Ito ay pinagbidahan ng noo'y sikat na aktres: JULIE VEGA. Isa ito sa mga dahilan kung bakit higit na napalakas ang debosyon at mas lalong nakilala ang Mahal na Birhen ng Soledad sa buong bansa.

(Ang kartel ng Pelikula)
(Si Julie Vega sa isa sa mga tagpo sa Pelikula...Makikita sa kanyang likuran ang aktres na gumaganap bilang Mahal na Birhen ng Soledad.)

Nakalulungkot isipin na wala ng makitang kopya ng natatanging pelikulang ito.  Isa sa mga hinahangad o minimithi ng Cofradia de la Virgen de la Soledad de Porta Vaga, Inc. ang makakuha ng kopya ng pelikulang ito, upang makatulong sa higit na pagpapalaganap ng debosyon.  Sa mga nais makatulong para dito, mangyaring makipag-ugnayan sa mga opisyal ng samahan sa mga sumusunod na numero:

Ryan: 09278564321
Marc: 09166136507

1 comment:

Ivan said...

Contact German Moreno at DZBB am radio 594khz. tel no. 924-3018/9243022 baka may kilala syangmga producers na may copyngpelikula